Home
para kay side
June 18, 2010
for sure kapag nabasa ito ni mama, magseselos siya…:) nakaka dalawang entry na ko para sa iyo, samantalang sa kanya kahit isa wala pa rin (halata bang mas favorite kita kesa kay mama, hehe keri lang diba, kasi favorite naman nia si elda eh. jealous much?! hehe). maiintindihan naman niya ko, kasi hindi ka naman na namen kasama eh.:( at hindi naman niya alam to eh, tsaka ko na lang ipapa alam sa kanya kapag may entry na ko para sa kanya.:)
naniniwala ako na everything happens for a reason. may dahilan si Bro nung kinuha ka na niya sa amin. lalong hindi co incident lang na nakilala mo si inang lahi. i can’t say much about you. lahat ng mga sinasabi ko, ung mga naalala ko lang tsaka yung mga naikwento ni inang lahi. you were never the ideal husband for mama. ang sabe ni mama, na challenge daw siya sa attitude mo. totoo naman na ka challenge challenge ang attitude mo pa, aminin mo yan.:) ang daming kwento ni inang lahi tungkol sa yo. kung pano mo siya awayin kapag hindi niya napag bigyan yung gusto ko. at kung paano ka magpa sarap kasama ng iyong mga inuman buddies habang si inang lahi eh, super pagod sa kakalaba at pag aalaga sa amin ni elda. ang sweet mo talaga kay mama. ang pinaka gusto ko sa mga kwento niya, ay kung paano mo kame ipagtanggol lalo na pag lasing ka. at kung paano mo kame ihabilin kay ate lita kug sakaling mawala ka. hindi ka lang talaga siguro showy sa feelings mo. alam mo ba na marami sa mga pamangkin mo ang tuwang tuwa sa yo lalo na pag lasing ka, kasi ang gulo gulo mo raw at talagang maloko ka. sa yo ko siguro namana yung sense of humor. ganon din kasi yung sinasabi ni ate lita sa yo eh. sabi rin ni mama, kapag nakainom kapag dating mo sa bahay kami kagad ni elda hinahanap mo. malayong malayo kapag hindi ka nakainom. nasa loob ka lang ng bahay, nagbabasa ng people’s tonight o tempo sa umaga habang naninigarilyo. habang si inang lahi ay bongga ang pagka busy sa pag tapos sa paglalaba, pag luluto at pag lilinis ng bahay. ayaw mo ng maingay, kaya kami ni elda tahimik lang maglaro. hindi kame makalabas, dahil ayaw mo ng nangangapit bahay kame. naalala ko pa nung tinapon mo yung tsinelas ko sa bubong dahil ayaw kong umuwi. simula non, hindi na kame lumalabas ni elda ng bahay kapag hindi ka nakainom. lalabas lang kame pag wala ka sa bahay o kaya pag busy ka sa inuman session mo. sa gabi naman, manonood ka ng balita sa tv at hindi na pwedeng lumabas kapag gabi na. or else, sa labas na kame matutulog. ayaw mo rin ng madamot. naalala ko nung nagalit ka sa kin kasi ayaw kong bigyan si elda nung kinakaen ko. nagsumbong siya sa yo pero nag damo pa rin ako. dahil don, binili mo siya sa jollibee at sinigurado mo na hindi niya ko bibigyan kahit na anong mangyari. yun na yung pinaka matagal na hindi mo ko kinakausap o kinikibo. at talagang pinararamdam mo sa akin na parang si elda lang yng anak mo. andun yung si elda lang yung binibigyan mo ng pagakain tsaka pasalubong. kaya ako walang magawa kundi umiiyak lang at nagsusumbong kay mama. si mama, walang magawa. batas ka eh. siguro mga 6 years old yata ako non. hanggang sa hindi mo ko natiis (hehehe) at pinansin mo na rin ako tsaka pinangaralan ng bongga sa ginawa ko.alam ko hindi mo talaga ko matitiis dahil ako ang peyborit daughter mo diba.:)
happy father’s day pa! hindi ko maalala kung nababati kita nung kasama ka pa namin tuwing father’s day. sa tuwing makakakita ako ng adverisement sa tv na mga father and daughter thingy dahil malapit na nga ang father’s day, hindi ko maiwasan maging emotional. isa yan sa mga weakness ko. naluluha talaga ako ng bongga. kahit sa mga pinapanood ko na pelikula at mga teleserye hindi ko talaga naiiwasan ang malungkot at ma miss ka. nung nasa 4th year hayskul ako tinanong ako nung klasmeyt ko:
klasmeyt: chrissanell, lagi kang masaya. tawa ka ng tawa (lukaret much?! heheh). ano ba yung bagay na nakaka pag palungkot sa yo?
ako: nag inarte muna at nag isip kunware. nawala yung bonggang ngiti ko. sabay sagot ng “kapag may nakikita akong mag ama na masayang magkasama”.
hindi ko na maalala yung sumunod na nangyare. kumuha yata si klasmeyt ng blade sa sobrang ka emohan ko.:)
lumaki man ako na hindi ka kasama pa,napalaki pa rin naman kami ni mama ng maayos. naging tatay at nanay na siya simula nung nawala ka. hind ka nagkamali nung nakilala mo si inang lahi. salamat sa lahat. sayang nga lang hindi mo nasubaybayan yung paglaki namen. hindi mo na rn nakita yung apo mo kay elda at yung magiging baby ko mga 3 years from now.:)
happy father’s day papa! inum tayo, sagot ko…:)
i love you papa.
your favorite daughter,
kuting
team beki… no more..:(
May 27, 2010

mag da dalawang taon na ako sa putahan. naalala ko pa nung unang pasok ko sa team. pagkatapos kasi ng product training namen, ilan lang kami sa mga wave mates ko na nahiwalay. hiyang hiya pa ako noon sa mga team mates ko, dahil ako yug pinakabago sa team nila. dahil nga sa hindi talaga ako friendly na tao, naghihintay na lang ako kung kelan ako kakausapin ng mga team mates ko. dahil hindi ko talaga ugali na ako yung gumawa ng first move (parang lalake lang..:) ). kung hindi ako nagkakamali mga limang buwan ang lumipas bago ako mejo naging kumportable sa kanila.at lumipas ang ilang buwan bago ako sumama sa mga inuman sessions.
masasabi kong ito pa lang yung pangalawang team na talagang nag enjoy ako sa mga kasama ko. yung una, dun sa una kong putahan. pero sa totoo lang mas naging masaya talaga ako sa team beki. bakit team beki? marami kasi sa team namen mga beki (bakla) kaya ang saya talaga ng team namen. kahit noong high school at college pa ako marami na talaga akong nakakasamang mga beki. mas madali akong nagiging komportable sa mga beki. dahil na rin siguro sa beki ako kaya ganon.:)
hindi madaling maging call center whore. naging dahilan ang team beki para pumasok ako lalo na pag sobrang tamad na tamad ako. parang sila ang naging motivation ko sa pagpasok. ganoon ako ka attach sa team namen. akala ko sila makakasama ko forever. pero hindi pala.:( sa sobrang kampante ko, nakalimutan ko na wala pala talagang forever.:( lahat may katapusan.
natapos na nga yung maliligayang araw ng team beki. pero hindi yung samahan namen ng mga dati kong team mates. siyempre, tuloy pa rin ang chikahan sa facebook at ilang palitan ng text. iilan na lang kaming natitira kasama yung mga bagong nadagdag sa team namen. yung iba namen nasa ibang putahan na. parang hi, hello, goodbye na lang minsan. na kaka miss yung chismisan pag avail, yung mga tawanan in between calls, yung team lunch, yung presensiya ng mga taong natutunan kong tanggapin at mahalin sa maikling panahon, mga kwentuhang walang katuturan pag naka aux. pati na rin okrayan na kung pikon ka eh, siguradog mapapa away ka ng bongga. na mi miss ko na talaga yung samahang team beki.:(
alam kong hindi nila ito mababasa. unless sabihin ko sa kanila at pilitin ko silang puntahan itong website ko.:) minsan pumapasok ako sa chat room ng team namen para lang mag message at sabihin na miss ko na talaga ang team. kung pwede lang sanang ibalik lahat.:(
hindi na ako nasanay. wala naman talagang permanente eh.:(
tagay!
May 1, 2010sariwa pa rin sa alaala ko kung paano sinabi sa akin ni mama na wala ka na. sabay pa si mama tsaka si ate lita sa pagpapa kalma sa akin. alam kasi nila na ako paborito mo at nag alala ila na baka magwala ako ng bongga. dahil sa bata pa ako nung panahon na iyon, hindi ko pa masyadong naintindihan yung mga nangyayari. pero alam ko na magiging umpisa na iyon ng pagbabago ng buhay namin.
walong taon lang kitang nakasama. sa loob ng walong taon na iyon, kahit bata pa ako hindi ko man alam ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal, naramdaman ko sa iyo kung gaano mo ako kamahal. sa mga kuwento sa akin ni mama sa tuwing nagkaka usap kami palage niya sinasabi kung pano mo ako inalagaan sa paraang alam mo. hindi man ikaw yung tipikal na mabait na tatay na napapanood ko sa mga teleserye, alam ko na mahal na mahal mo ako.
hinding hindi ko makalimutan yung pagpunta mo sa eskwelahan ko nung elementary pa ko para kunin yung report card ko. alam kong proud ka sa akin dahil kasama ako sa honor roll lagi kaya kahit lasing ka, ikaw pa rin kumuha ng report card ko. yung pagpupuslit mo ng tsinelas para ipa salubong sa akin tuwing pupunta ka sa tindahan nina lola sa aranque, at sa pagsama mo sa akin sa mga lakad mo. sa pakikipag inuman mo sa mga kumpare mo. sa pagbili natin ng coloring book at colors sa national book store na naiwan naman natin. sa pagtabi mo sa akin sa higaan kahit lagi kita naiihian.at sa pagbili mo ng mga laruang panlalake nung nasa tiyan pa lang ako ni mama dahil kala mo lalake magiging anak mo.
nagtapos ako sa elementarya na si mama yung kasama ko. mas magiging masaya sana kung nakita mo yung pagkuha ko ng diploma. ganoon din noong high school ako.maliban na lang nung college ako, dahil late ako at hindi ako naka akyat sa stage para kunin yung diploma ko. noong 18th birthday ko, medyo emotional ako. sa tuwing umaatend ako sa party nung mga kaibigan at kaklase ko, inggit na inggit ako sa kanila. napigilan ko pa rin maluha nung 1st dance na nila kasama tatay nila. sa tuwing makakakita ako at makakapanood ng mga pelikula at kahit sa mga teleserye na may eksenang mag ama, minsan hindi ko napipigilan maluha, dahil naaalala kita.
sa tuwing naaalala kita, binabalikan ko na lang mga kuwento sa akin ni mama, at tinitignan ko na lang mga litrato natin.alam kong hinding hindi na madagdagan yung mga iyon. lagi ko na lang binubuhay sa alaala ko yung mga panahon na kasama ka namin.
salamat sa pag aalaga at pagmamahal papa! na mi miss na kita.:( hindi ko hihilingin na maksama kita, dahil parang nakakatakot na yata iyon..:) alam ko miss mo na uminom.. sa ngayon, itatagay na lang kita sa mga inuman sessions ko. at wag kang mag alala, hindi pa naman ako lasinggera. pinapangako ko na hindi darating yung panahon na susunduin ako ni mama dahil sa sobrang kalasingan ko.:)
happy birthday papa! mahal na mahal ko po kayo.
EMOnesa
January 7, 2010eto na naman ako. bagong taon, tamang emo na naman ako. dami kong naiisip, dami kong mga plano na gusto kong matuloy. kung nakakapagsalita lang yung utak ko, super reklamo na siya sa dami ng tumatakbo sa isip ko. gusto kong may makausap. pero nahihiya ako sa mga kaibigan ko. bagong taon na bagong taon, pasanin nila ko. ayokong maging pabigat sa kahit na kanino.salamat na lang at may blog.
hindi ko alam kung pano ko to uumpisahan. baka maging nobela to. pero gora lang, pagod na ko eh. baka sakaling maka tulong pag nalabas ko sa iyo dear bloggy.
ilang buwan ko ng hindi pinapansin yung kapatid ko pati na rin asawa niya. dahil sa nasirang camera ko. oo, dahil lang sa camera nasira yung samahan namin. mababaw diba. alam ko, pero hindi ko lang talaga matanggap na wala na yung camera na matagal kong pinangarap tapos hindi na siya mapapalitan. hindi ko alam kung kelan ko siya mapaplitan. oo, ako rin magpapalit dun sa camera na ni hindi ko man lang nagamit ng matagal. ang dami ng mga happenings na sana mas naging memorable kung na kodakan ko sila. dumaan yung pasko at bagong taon na pinagtiyagaan namen yung camera sa selpown ng pinsan ko. at hindi ko nakikita yung effort na gusto talaga nilang mapalitan yung camera ko. hanggang ngayon talaga hindi ako maka move on sa camera ko. nalulungkot pa din ako pag naaalala ko yung pagkasira niya ng walang kalaban laban. eto pa, hindi talaga yung kapatid ko o yung asawa niya yung nakasira, kundi yung tita ng asawa ng kapatid ko. peste talaga! nalaman ko na ang sabi lang eh, hindi naman daw sinasadya. bullshit! hindi ko naman hiningi lang yon o napulot o kinuha sa tindahan. di bale sana kung 500 pesos lang yon baka binilan ko pa sila. hindi ako nagyayabang. hindi kasi ganon kadali mag ipon ng pera para pambili non tapos masisira na lang ng ganon ganon. ako na yung nasiraan, ako pa rin yung ma pepeste para mapalitan yung camera ko.masama pa rin talaga ang loob ko hanggang ngayon. hindi nakatulong ang pagpapalit ng taon sa pakikitungo ko sa kanila. wala akong pakelam kung hindi pa rin kami nag uusap. yung pamangkin ko lang yung pinapansin ko. na ngayon parang malayo na yung loob sa ken. kasi nga minsan ko na lang siya makita. at hindi na ko nagpupunta sa bahay nila simula nung nalaman ko na nasira yung camera ko.
balak ko sanang makabili ngayon ng bagong camera. kaya lang nagdadalawang isip ako. sa dami ng binabayaran ko, parang hindi na kakayanin. naisip kong magpaka selfish at unahin naman ang sarili ko ngayon. naisip kong mag ipon para sa aking make over galore at kung ano ano pa. pero nagdadalawang isip ako. dahil pag inuna ko yung sarili ko,pano na yung pamangkin ko. pano na yung education showcase niya at kung anu ano pa. naisip ko rin na baka isipin ng nanay niya na gumaganti lang ako sa kanila kaya pati pamangkin ko dinadamay ko na. ang kumplikado pag inuna ko yung sarili ko. pero pano naman ako. wala na nga kong lablayp tapos ganito pa.
kailangan ko rin alagaan yung sarili ko. hindi ko na gusto yung nakikita ko sa salamin pag nakikita ko yung sarili ko. naguguluhan na ko. hindi ko na alam talaga gagawin ko.ayaw kong magpaka selfish. ayoko rin naman na magising na lang isang araw na ayoko ng makita yung sarili ko ever.
mahal ko yung pamangkin ko. mahal ko rin yung sarili ko. siguro kailangan ko lang talaga magtipid ng sobra sobra. anong pecha na, ilang taon na lang wala na yung edad ko sa kalendaryo. pakiramdam ko wala pa ring pagbabago sa buhay ko. ilang taon na lang deadline ko na.
hindi ko alam kung paano ko magsisimula. pero kailangan may gawin talaga ko. or else, ganito na lang lage drama ko. na miss ko na rin pamangkin ko tsaka kapatid ko. magiging ok din kami. hindi pa lang siguro ngayon.
Soulmate
January 2, 2010SOULMATE- Natasha Bedingfield
Incompatible, it don’t matter though
‘cos someone’s bound to hear my cry
Speak out if you do
You’re not easy to find
Is it possible Mr. Loveable
Is already in my life?
Right in front of me
Or maybe you’re in disguise
Who doesn’t long for someone to hold
Who knows how to love you without being told
Somebody tell me why I’m on my own
If there’s a soulmate for everyone
Here we are again, circles never end
How do I find the perfect fit
There’s enough for everyone
But I’m still waiting in line
Who doesn’t long for someone to hold
Who knows how to love you without being told
Somebody tell me why I’m on my own
If there’s a soulmate for everyone
If there’s a soulmate for everyone
Most relationships seem so transitory
They’re all good but not the permanent one
Who doesn’t long for someone to hold
Who knows how to love you without being told
Somebody tell me why I’m on my own
If there’s a soulmate for everyone
Who doesn’t long for someone to hold
Who knows how to love you without being told
Somebody tell me why I’m on my own
If there’s a soulmate for everyone
If there’s a soulmate for everyone
alam na alam ni mareng natasha yung nararamdaman ko..hehe i so love this song. para sa mga single talaga. konting panahon na lang magsasawa na ko sa kakahintay kay soulmate. pero sa ngayon, super wait pa rin kahit wala namang hinihintay. kung meron man, hindi ko alam. pero sana magpakita na siya bago ako mapagod ng tuluyan.
babae po ako!
December 27, 2009i’m sad, lonely, worthless at lahat na ng ka emohan. hindi ko alam kung dala lang ba ito ng hormonal chever ko o dala ng panahon. ilang araw ko na itong nararamdaman. wala din kasi akong outlet kaya siguro ang tagal kong dalin itong emoness ko. sinabayan pa ng nalaman ko kanina na sinabi ng napaka bait kong tita.
i’m sorry my dear bloggy kung ikaw ang napag hihingan ko ng lahat ng kaartehan ko. pakiramdam ko tuloy isa akong user na kaibigan na lalapitan ka lang pag may kailangan. ang dami kong naiisip. parang naipon na naman lahat kaya emo na naman ako. na mi miss ko siya kahit ayaw ko siyang maalala. kainis! parang feeling ko hindi pa ko naka move on. ayoko ng ganitong pakiramdam. alam kong wala naman akong babalikan, maliban sa mga sad at bilang na mga kilig moments. sabi ko ayaw ko ng mag post ng anything tumgkol sa kaniya. pero bakit ganito. para akong minumulto.lagi ko talaga siyang naiisip. sana nga dala lang ito ng pagiging loveless ko.
lilinawin ko lang, oo loveless ako pero hindi ako bisexual, tibo, gay, o kahit anong maisip niyo na may gusto sa same sex. BABAE AKO, sa isip, salita, at sa gawa *panatng makabayan*. alam ng mga kaibigan ko ito pati na rin mga malalapit kong kamag anak. hindi porket wala akong dinadala sa bahay na lalake at wala akong pinapakilala na jowa ko ay magandang basehan na yon para sabihan ako na babae ang gusto ko. naiinis ako! nasasaktan din ako, dahil ilang beses nang sinabi niya ito sa akin. hindi niya harapang sinabi sa akin, kundi kay inang lahi niya pinadaaan. salamat kay inang lahi at alam niyang babaeng tunay ako at pinag tatanggol niya ako ng bongga.
i have nothing against gay people. karamihan sa kasama ko sa trabaho at kaibigan ay bading o tomboy. at wala akong problema sa kasarian nila. kilala ko ang sarili ko at alam ko kung ano ang gusto ko. gusto ko ng lalake. yung tunay na lalake at hindi yung tipong bi now gay later. at hindi mo alam kung gano ko nalulungkot na hanggang ngayon ay wala akong boypren.
masasabi ko lang na hindi mo ko talaga kilala. sabagay, ano ba aasahan ko birthday ko nga hindi mo alam eh. pasensiya ka na te, naiinis lang talaga ko pag iniisip mo na bi sexual ako. hindi porket puro mga girlfriends ko ang dinadala ko sa bahay eh, babae na ang gusto ko. hindi mo lang alam kung gano ako kalandi, pero hanggang ngayon virgin pa din ako *uhm, na share ko lang naman*. kung makakabili lang talaga ko ng lalake, matagal ko ng ginawa yon. hindi mo lang alam kung gano ko kagusto na magka boypren. hindi mo rin alam na gustong gusto ko ng magmahal at mahalin na hanggang ngayon pangarap pa rin siya para sa akin at sa mga single girlfriends ko. sana naman next time na makita mo ko with my girlfriends eh, hindi na umiral kakitiran ng isip mo.
uulitin ko BABAE AKO! asal bakla man ako o lalake pa minsan, siguradong sigurado ako sa kasarian ko.. babae talaga ko, period no erase.
…..
November 9, 2009oo na, nagtatampo ka kasi hindi na kita dinadalaw.:) pasensiya naman, masyado kong naging busy. pero wag kang mag alala, lage pa din kita iniisip.:) di ka naman mawawala diba. unless kalimutan na kita ng bongga. basta i’ll be back asap, promise.:) pag ok na ulet ako, ikaw una ko pupuntahan para ma share ko sa iyo yung mga happenings sa buhay ko.
magsusulat sana ako, pero parang pagod na yung utak ko dahil kauuwi ko lang galing sa pagpuputa. marami pa naman next time diba…:)
for now, steady ka lang muna my dear blog… marami akong update sa iyo, pwamis.. *wink*
inflatable pool
September 28, 2009hanggang ngayon parang may hang over pa din ako sa nangyari. hindi man kame nasalanta na talagang pinagpapasalamat ko, ang dami kong nakita hindi lang sa tv kundi pati na rin sa malalapit na lugar dito malapit sa bahay namen kung anong sinapit ng mga taong nasalanta ni ondoy. isa na don yung bestfriend ko.
isang magarang bahay sa loob ng isang townhouse. dalawang palapag na may magagarang mga kasangkapan sa loob. isang lugar na kahit kelan ay hindi nakaranas ng hagupit ng kahit anong bagyo. at lugar na hindi mo aakalain na magiging biktima mo.mahimbing ang tulog ko non dala ng lamig ng panahon. nagulat ako pag mulat ng mata ko nasa harap ko si pat. hindi maipinta yung mukha, basang basa yung damit, may dalang backpack dahil yun lang yung naisalba nila. “may inflatable pool ba kayo?” yun yung una niyang sinabi pag ka mulat ng mga mata ko. nung hapon pa lang naka receive na ko ng text message sa kanya. ayos pa yung signal non, kaya nakapag palitan pa kame ng text messages. akala ko ok pa sila non. kaya nagdasal na lang ako bago ako makatulog nung hapon ding yon. kaya nagulat ako nung nasa harapan ko na siya pag gising ko at ganon pa yung ichura niya. wala pa ko sa wisyo non, pero nung narinig ko yung sinabi niya, na windang ako. kasama niya yung mama niya na naghihintay sa baba ng bahay namen. ilang kanto lang yung layo ng bahay nila sa men. pwedeng mag tricycle kung tamad tamaran mode ka, at pwede din naman lakarin kung feel mong mag exercise.
alam kong hindi na maganda yung nangyayari sa kanila. at talagang hindi ko mapaniwalaan yung kuwento niya sa akin. yung 2nd floor na lang daw nila yung nakikita sa bahay nila. ilang mga sasakyan na yung naka lubog sa baha kasama na yung taxi ng papa niya. ilang beses na kong nakapunta sa bahay nila. alam ko kung gaano kataas yung bahay nila. kaya alam ko na hindi biro yung lalim ng tubig na halos lumamon sa buong lugar nila. hindi ko alam kung nananaginip pa rin ba ako o bangungot na. bakit inflatable pool yung hanap niya? dun daw kasi sila sinakay nung mga tumulong sa kanila na makalabas sa bahay nila. hindi sila sa bintana nakalabas. pinilit nilang ipagkasya yung sarili nila sa butas na nilalagyan ng ac. habang sinasabi niya yun sa akin, hindi ko talaga lubos maisip kung papano nila napagkasya yung sarili nila sa liit ng butas na yon alam mong mga bata lang talaga yung makaka lusot don. ilang gasgas sa braso ang inabot niya. nung mga sandaling yon, yung mga tao sa squatters area na malapit sa lugar nila yung tumulong sa kanila saka sa iba pang mga nakatira dun sa lugar nila. may nagsabi din na may dumaan daw dun na rubber boat para nga i rescue yung mga na trap sa lob ng bahay, pero hindi a rin daw bumalik.
mabuti na lang yung pinsan ko may inflatable pool, yun nga lang butas kaya ginawan na lang namen ng paraan. yung mga kamag anak ko na nakaalam sa nangyari sa kanila tumulong na rin para maayos namen yung pool at gumawa ng improvise salbabida gamit ang lubid at mga galon. dali dali kameng pumunta sa lugar nila. yung street pa lang na malapit sa kanila ay wala ng kuryente. malapit din sila sa daaanan ng sasakyan, at naloka ko kung nakita ko yung dami ng tao na na stranded pati na rin mga sasakyan.hindi mo akakalain na nasa city kame nung panahong iyon, dahil karaniwan kong nakikita yung mga ganoong insidente sa mga probinsiya. dahil sa taas ng tubig, sa ibabaw kame ng bubong nakiraan. salamat sa mga taong tumulong sa amin para makatawid sa bubong. nung malapit na kame sa kanila, hindi o kinaya yung nakita ko. lubog talaga sa baha yung buong tonwhomes. yung bahay nila, 2nd floor na lang yung nakikita. wala ng mga sasakyan, dahil lahat lubog na sa baha. mabilis daw yung pag akyat ng tubig kaya inuna na nila kung ano yung unang makita. habang nag iisip kame kung pano namen mapupuntahan yung papa niya, may nakita akong paltform. nung tinuro ko yon kay pat, na windang ako nung cnabi niyang bubong na lang daw yun ng truck. para kameng nasa bundok dahil sigawan ang komunikasyon namen ng papa niya. tinulungan sila ng isang kapitbahay at dun muna nag stay sa kanila kasama ng iba pang mga tao na na na trap sa ibang bahay. nagawa pang magbiro ng papa niya ng sabihing magpa deliver daw ng kfc, dahil sa likas akong mapagbiro hiniritan ko naman siya at tinanong kung anong part ng chicken? sabay may isang mamang nagsabi nga mga alas 7 darating na yon, alas 7 ng umaga..dun na kame nagkatawanan. at kampante na kame na nasa ligtas na na lugar yung papa niya at yung kasama nila sa baha. bago kame umalis, tinignan namen yung ibang lugar na malapit sa kanila. wala na lameng makita dahil halos dagat na yung mga nasa paligid ng townhomes. pinuntahan namin sila kaninang umaga. nagdala kame ng sopas tsaka tuyong basahan para makatulong sa paglilinis nila ng bahay.
naging mukang luma yung dating magarang bahay nila. ganon din yung mga kapit bahay nila. ilang sasakyan ang mga naka balandra don, putikan at malamang daw na hindi na magagamit halos hindi na nga daw makilala nung nakita nila. biniro ko pa nga siya dati na bibilhin ko yung katabi nilang bahay na binibenta, dahil maganda yung bahay, dalawang palapag din at tamang tama para sa amin nila mama. mabuti na lang din pala at hindi pa ko nananalo sa lotto. dahil kung nangyari yon, isa na rin kame sa nakaramdam ng hagupit ni ondoy. lilipat na lang daw sila ng bahay na malapit sa amin.sa lugar na magiging safe sila at siguradong hindi na babahain.
isa lang ang bestfriend ko at pamilya niya ang na perwisyo ni ondoy. ilang daan pang pamilya sa iba’t ibang lugar isama pa natin yung mga na stranded sa daan at yung mga hindi rin naka ligtas at namatay dahil a sakunang ito. sana’y hindi na ito maulit. sana huli na si ondoy. kung may susunod man sa kanya, sana hindi ganito kalaki yung pinsalang mangyari.
maBOTEng usapan
August 15, 2009 dahil sa hindi natuloy yung team building namen, napag desisyunan namen ng mga team mates ko na ituloy pa rin ito. pano? ano pa eh, di inuman galore.halos isang buwan na namen na plano yung team building namen. may lugar na at siyempre may budget din naman yung team. yun nga lang as expected (lage kz hindi natututloy yung team building, leche!) hindi nga siya natuloy. ilan sa mga team mates ko, anticipated na na hindi siya matutuloy. pero ako, hindi nawalan ng pag asa. kaya naman sobrang na dissapoint ako nung nalaman ko na hindi na naman nga kame matutuloy. lage kasi akong excited pag may lakad ang team. halatang kaladkarin talaga ako…Ü itutuloy pa rin sana yung napag usapan namen na swimming galore. pero dahil nga marami ng nawalan ng gana, ayun hindi na rin na plano yung naudlot na swimming galore.
5pm-2am na shift namen. after our shift, we headed to muchos.hndi talaga ako mahilig sa inuman at sumama sa mga lakad ng team before. kasi, hindi pa ko ganon ka komportable sa kanila. ganon din ako dati sa dati kong pinagpuputahan. hindi naman sa nagpapaka kj ako.dun kasi sa dati kong pinagpuputahan, hindi ko masyadong feel yung iba kong team mates kaya hindi ako nagsasasama pag may mga lakad sila.pero ngayon, pag alam kong may lakad super sama talaga ko at super laklak na talaga. sobrang komportable na kasi ko sa karamihan sa mga ka team mates ko. lalo na sa mga lage kong nakakasama sa inuman session namen. salamat sa inuman session. nakatulong kasi to para mas maging malapit ako sa mga ka team mates ko. at masaya ko sa samahan namen ng mga team mates ko.
may mga bagong salta rin sa team namen. tamang tama at sumama sila. bonding na rin yun at parang pa welcome na rin sa kanila. may ilan sa mga team mates ko na hindi nakasama. pero hindi yun naging hadlang para hindi matuloy yung inuman galore namen..Ü
kwentuhan, asaran, halakhakan, masarap na pulutan, ilang bucket ng beer, usok ng sigarilyo, picture picture, videoke, at mga taong nakakapalgayn ko na ng loob. mga sangkap na para sa akin ay nagpapasarap sa inuman session experience ko w/ my team mates. hindi ako mahilig uminom talaga, pero kung ito ang magiging dahilan para lalo akong mapalapit sa mga team mates ko, kahit saan pa nila ko yayain ay hinding hindi ako tatanggi. hindi ko papalagpasin yung mga sandali na makasama ko sa kanila at maiparamdam sa kanila na unti unti na silang nagiging parte ng buhay ko.
i can’t wait for our next inuman session…Ü
back to normal
July 30, 2009ilang araw na ang nakalipas matapos yung emo moment ko. inatake na naman ako ng emo syndrome at wala talaga akong maisip na maganda nung mga panahon na yon. hindi ako makapag sulat gawa ng baka makita ako ng pinsan ko na nag mo moment at baka isipin niya na nababaliw na ko. sa totoo lang, natakot ako sa sarili ko non. natakot ako dahil parang mag be break down na talaga ako at parang suicidal na talaga ang drama ko non. nagsimula yon ng magising ako isang araw at mangiyak ngiyak dahil naisip ko na mag ko kols na naman ako, magpapa ka plastik sa mga customers na irrate, hihintayin ang 1st break, lunch, 2nd break, mga panakaw na team meeting pag avail pagkatapos uwian. ganon ang eksena ng buhay ko araw araw sa putahan namen. tatlong taon na kong nagpapaka puta at ganon ng ganon lang talaga ang mga eksena sa aking everyday life. sinong hindi magsasawa don diba. tapos sinabayan pa ng inferiority complex. haayyyy… sarap na lang mawala ng time na yon at mapunta sa outer space.
as i’m writing this entry, masasabi ko naman na mejo ok na ko. ilang araw na pag mo mo moment lang ang katapat at ilang mga patak ng luha. at voila! balik na ulet si kuting sa dati niyang katinuan. ready na naman sa mga challenges na bibigay sa kanya ni Bro. kagaya nga ng sinasabi ko sa mga kaibigan ko, giving up should never be our option. kinailangan ko lang talaga siguro ng time para makapag isip at mag focus ulet sa trabaho ko.
masasabi kong nakatulong din ang inuman session namen ng mga team mates ko last tuesday. kulang lang cguro talaga ko sa good time. kahit kasi naka leave ako andito lang ako sa bahay. i admit, boring talaga ang buhay ko. hindi lahat nakasama. pero keri pa rin. apat kaming natira sa inuman. at lumaklak talaga ako ng bongga. first round, absolut vodka na vanilla flavor na hinaluan ng the bar tapos may chaser na sprite. 2nd round, absolut vodka pa rin pero this time wala na siyang halo. hindi ako hard drinker, mejo malakas yung tama niya sa ken kaya naka ilang shot lang ako. at ang finale, ano pa ba….. siyempre pulang kabayo na. naka 2 mucho size kame. yung pangalawa halos hindi na rin namen naubos. dahil filingera akong malakas uminom, ang ending takbo sa cr para umihi kunware pero ang totoo sumuka ako ng bongga at halos umiikot ang paningin ko. bago pa ko sumakay g bus pauwi bumili ako ng maraming kendi kasi alam kong baka any moment masuka ako. mabuti na lang at nakatulog lang ako, pero masakit pa rin ulo ko. kahit ganon yung nangyari, hindi ko pinagsisihan yung pagsama ko sa mga ka team mates ko. bukod sa libre na (poverty stage na kasi ko non eh, gusto ko lang talagang uminom nung araw na yon), nag enjoy talaga ako. nakapag videoke ako at siyempre nagpalitan ng mga chikahan ng mga team mates ko.Ü
mamaya may pasok na naman ako. dahil sa nag titino tinuan na ko, i promise na hindi na ko ma le late. kung hindi, hello suspension…Ü i’m back in the game..Ü
PS:
share ko lang lss ko.. enjoy listening…Ü
Puff Daddy - Forever - My Best Friend Feat. Mario Winans
happy birthday
July 9, 2009kung gaano ko kasigasig bumati sa mga kaibigan ko sa tuwing mag bi birthday sila eh, kung bakit ngaung araw eh, nakalimutan ko na birthday ng aking one and only sister.
nag i internet ako ng bonggang bongga ng tawagin niya ako at yayaing kumaen. siyempre, dahil sa matakaw ako, tinanong ko kung anong fudang nila. ng sabihin niyang pansit daw, tinanong ko pa ng bongga kung anong meron (stupid talaga ko, samantalang the day before her birthday pinaalala ko pa sa mama ko na bday na niya). para kong sinampal sa hiya ng sabihin niya na birthday nga niya. of all people bakit nga naman yung birthday niya pa yung nakalimutan ko.
xenxa na elda, wag mo sanang isipin na hindi ka importante sa ken. masyado lang pre occupied ang utak ko ngayon, at kung hindi mo pa pinaalala baka hindi ko na nga talaga naalala na birthday mo ngayon.
happy birthday da….. alam kong hindi tau vocal sa mga feelings naten. pero sana alam mo kung gaano kita kamahal. salamat sa pag intindi sa mga kamalditahan ko. salamat sa pagsunod sa lahat ng mga inuutos ko dahil tamad tong ate mo (at alam mo kung gano ko katamad di ba…Ü). sa lahat lahat ng ginagawa mo para sa amen ni mama. at maraming salamat sa hindi mo pagpapabaya sa mahal kong pamangkin. hindi man maganda ang maaga mong pagbukod sa men ni mama, hindi yun naging katapusan ng pagiging magkapatid naten. kung meron man akong pinagsisisihan, yun ay yung mga bagay na dapat nagawa ko pero hindi ko nagawa.i’m sorry sa lahat ng mga nagawa ko sa iyo simula ng mga bata tau, hehe.Ü i’m sorry din kung lage lang akong nagpapasaway at dumadagdag sa mga kalat ni yannah sa bahay niyo. i’m sorry rin kung hindi tayo kagaya ng ibang magkakapatid na super duper close. ganon pa man, nagkaroon tau ng ibang bonding simula ng pinanganak mo si yannah.
promise next year hindi ko na makakalimutan yung bithday mo.Ü at may gift na rin ako non sayo. sorry talaga..
haylabyaw da…Ü
PS:
alam kong hindi mo alam na ginawa ko to at may blogsite ako dahil hindi ka naman nag iinternet…Ü, pero malalaman mo din to sa mga susunod na panahon…Ü at parang awa mo na, wag mo na rin susundan c yannah… aun lang…Ü
and the winner is….
June 28, 2009“last month i was given a written warning for having low scores for 3 consecutive months. sobrang nangarag yung mundo k nung panahon na yon. pakiramdam ko kasi isang way yon para sabihin sa ken na umayos ako or else maghanap na ko ng ibang kumpanya.:( ilang araw akong balisa at umiiyak na lang pag naaalala ko siya ng bongga. alam kong napakaraming call center pero konti lang ang nag o offer ng malaki (haha, muka talaga kong pera..Ü) sa estado ko ngayon, hindi pwedeng maliit lang ang sweldo ko. marami akong bayarin every month at may pinapaaral din ako. halos lahat na yata ng pwede kong dasalan nadasalan ko na para lang humingi ng tulong para maisalba ko yung grades q.
kanina, dumating yung kinatatakutan ko. binigay na sa akin yung yung final written warning dahil di nga umabot yung grade ko last month. kailangan ko lang daw ng 1.10 na score para pumasa ako. currently, 1.54 yung grade ko. hindi pa rin siya maganda, dahil pag may natanngap akong auto fail sa QA at ilang DSATs sa mga customer ko, good luck talaga sa ken. parang nawawalna na ko ng pag asa, pero siyempre being the fighter that i am, hindi ako papayag na matalo ng walang kalaban laban.”
post ko yan dapat nung araw na kinausap ako ng tl ko at nabigyan ako ng final written warning. kahit alam ko na safe pa rin yung grade ko, hindi pa rin ako naging kampante dahil may ilang araw pa bago matapos yung june. marami pang pwedeng mangyari na pwede kong ikatuwa o isumpa at kalimutan ko na lang na nagtrabaho ako sa putahan namen.
matapos ang ilang araw na pag iisip kung lilipat na ba ko ng ibang putahan o hihintayin kong ma term ko, sinagot na ni Bro yung prayer ko. pinakaba niya lang ako ng bongga at naging aligaga lang ako ng ilang araw. naging biktima lang pala ako ng mga pagkakataon.
pero wala na akong pakelam dahil nalagpasan ko na yon.Ü maxado akong lab ni Bro para mapabayan niya. may dahilan na para magpaka saya ako. hindi na ko aligaga. hindi na ko kinakabahan everytime na titignan ko yung mga grades ko. makakatulog na rin ako ng bongga at wala ng aalalahanin pag gising ko.
masaya lang talaga ko dahil hindi na ko mag iisip kung may trabaho pa ko pag gising ko. mejo matatahimik na rin yung buhay ko for now. pero for sure sa mga susunod na panahon may iba na naman akong po problemahin. kung ano man yon, ready na ko ulet lumaban…Ü
emoterang frogs
June 21, 2009sa tuwing magkakausap kame sa text ni bespren kat, nagkakataon na lage kameng basag at may mga hinanaing sa buhay.malungkot si bespren kat dahil naiisip na naman niya yung estado ng buhay niya ngayon. at ako naman nag e emote kay almost lover. ang mga sumusunod ang napag usapan namen:
kat: malungkot lang aq. may bipolar na naman aq kahapon eh! hehe!
aq: hay naq dai, ndi kaya kailangan na ntn ng psychiatrist.Ü kulang lang yan sa rest.. para naman kzng mkkpg out of town tau db.
kat: yung gift q ndi q pa nabibigay sau, pag nagkita na lang tayo
aq: keri lkang dai…haay e2 na naman ung mga moment na masarap mg suicide.Ü
kat: ou nga eh!haha!sarap mgsuicide!Ü nxt month, mag vvl aq ng sat tas mag eurotel or sogo tau tas inuman tau nla alvin. iicpn ng mga attndant don, mag oorgy taung 3! lol.
aq: hahaha, dats 4 sure. cge, love dat idea.Ü manigas cla s ingg8.Ü hay, aq naman ang may almost lover ngaun.
kat: nxt month yn ha?! y? wt hapen 2 _ _ _ _ _? he looks… okei naman. hehe!
aq: hehe, twg aq sa u dai. s bhay k b?
kat: wla pa. pauwi plng aq. txt kta wen i get home. mkng serious to ah.
aq: haha, not rily. pero iniyakan q xa dai. kz naman nde2velop na q dun sa gagong un.
kat: ah okei. d nman mhrap mngyare un. para kc xang tanga dn eh. prang c pinya. haha! cge, kwnto mo sa ken yn l8r. (dahil emote emotan aq ndi ak nakapag pigil at nagkwento na q sa kanya..Ü)
aq: haha, korek dai. nagpa2kta ng motibo tpos pg alam ng kumagat ka sby bbwiin, at may my bnat pang “ndi p q rdy”. pakshet db. tpos p2loy kng la2ndiin. xempre aq masokista, so hnhyaan q na lng.
kat: what d f?! sbhn mu s knya, go 2 hell! wlangya un ah!kairita tlga mga lahi ni pinya! grr! ( ndi maxadong obvious na galit xa diba… may almost lover din kz xa b4 at yun ay si pinya….Ü)
aq: korek dai.. ngse2los xa pg cnsbi q mga crush q. tapos pg tnanong mo kung bk8 ndi pdeng mgng kme, ssgot lng ng ndi p rdi. sby ssbhn k ng, labyu. tpos ngi2ng super sw8. anu gus2 niang gwn q db..
kat: ay mare, may sapi yn! hndi xa ordnaryong tao.. haha!
aq: hahahaha, i know dai..Ü kh8 my sapi xa gus2 q p dn xa.
pero ayoq n ung estdao namen. parang ayaw lng ng comitment at gus2 lang mang landi.
kat: e d play his games. pretend dt u haven’t seen hm, no cake and gifts.
aq: u2 dai, pero kz parang may emotional investment n q d2 ky kumag eh… sbi q nga db mejo n d dvelop n q… bullshit tlga eh.. bj8 kya may mga la2keng kgya nia tsaka ni pinya.
kat: i wish i know d answr 2 ur question.: ( d q nga dn alam qng bkt my mga k2lad nten n uto uto..
aq: haay, langyang phasing 2. nsa2ktan na naman aq. tpos pg ok na q, rdy n nman aq ulet mgpa sak8..:( cycle n lng lge. s una lang masaya. gus2 lang naten ung my mgmhal s tn.. pero bk8 gni2.. lgng my sagabal..
kat: i blog mu yn mare, bka sakaling my mgbgay ng sgot s tnong mo. gnun yta tlga eh. wel fall dwn, move on, den w8 4 d nxt jerk hul gona shttr us in pieces agen
aq: haha, tau lng ssgot ng tnong q. we always fall 2 d rong person…
even2aly pg n realyz ntn n tma na, phnga lang sandali tpos rdy na ulet tau mgpka tanga…:( emo mode tau ngaun.Ü (ndi maxadong halata diba…Ü)
kat: uu nga mga emoterna frog tau…
aq: hahaha, leche kz ung mga paasang la2ke eh.. sna lang talaga, nkkbli n lng ng la2ke para may pg a2ri n rn tau…:( para taung orphan pgdting s pg ibig. lgng nghhntay kung my mbuting puso n kkupkop at mgmmhal s tn.
kat: haha! i like dat! pdeng shout.Ü
dun natapos ang palitan namen ng text at makalipas ang ilang minuto tinuloy namen ang usapan sa telepono. pareho man kameng malungkot sa magkaibang dahilan alam naman namen na ndi kame nag iisa. we still have each other, and that’s what matters most.Ü at kagaya ng lage kong sinasabi sa kanya, nasa amen pa rin ang huling halakhak. wala pa nga lang definite date and time kung kelan yon…Ü
ps: lahat ng palitan ng usapan namen ay naka save pa rin sa selpown q..Ü
wish list (part 2)
June 19, 2009isang linggo ng nakalipas matapos ang aking bonggang kaarawan. bongga dahil holiday siya at sini celebrate nating mga Pilipino at hindi dahil nag pa party galore ako. napansin ko lang na sa ilang taon ng lumipas ay walang nabago sa pag celebrate ng birthday ko. sabi ng iba kailangan itong i celebrate dahil binigyan ka ng another year ni Bro. panibagong taon para patuloy na mangarap at isakatuparan kung ano man yung mga pinapangarap naten. at siyempre, tanda na naman ito ng ating pagtanda.:(
parang normal na araw lang to sa kin. nagkataon na may pasok ako sa putahan, kaya ayun gumising ako ng maaga para mag prepare sa pagpasok. natuwa naman ako kasi si inang lahi ngluto ng pansit para humaba pa buhay namen..Ü at nag dikit sa ding ding namen ng “happy 24th birthday sandy”. wala akong planong maghanda o mag celebrate ng araw na yon dahil alam kong wala akong budget kahit na payday. palaging ganon ang nangyayari pag bertdey ko, pero lage xang nagiging special dahil sa mga ginagawa sa ken ni mama. nung mga nakaraang taon lageng may letter sa ken c mama. this year, may kiss pa ko sa kanya kasabay ng pagbati ng “hapi bertdey” habang hinihintay niya kong makasakay ng taxi dahil nga may pasok ako. sobrang na touch ako sa ginawa niya. kaya ayun, nag moment ako sa taxi. habang busy si manong driver sa pag da drive at pakikinig ng wild confessions sa fm radio, ako naman eh, patuloy sa pagpigil sa mga luha ko habang nagpapasalamat kay Bro sa lahat ng mga blessings niya sa kin for 24 years and still counting. c yannah naman, dahil nga holiday at wala silang pasok, kaya daw walang pasok dahil birthday ko.Ü at kinagabihan may gift siyang ice cream na hindi ko natikman dahil nakatulog ako ng maaga.
siyempre, hindi mawawala ang greetings galore sa ken ng mga ka team mate ko. at mawawala ba naman ang mga katagang “blow out” at “painom ka naman”…Ü nagpasalamat naman ako sa kanila kasabay ng pasasalamat sa pag intindi nila na hindi ako makapag blow out.Ü after ng shift namen, nag lunch kame ng mga ka bexshipness ko. tapos sa wakas nakatikim na rin ako ng ice cream sa haagen dazs.Ü dahil sa mahal ang isang scoop talaga ninamnam ko ng bongga ang pagkain ko non. wala akong nabiling gift para sa sarili ko. at walang natupad sa wish list ko..Ü pero keri lang, may next year pa naman eh, diba Bro.?!Ü
kingabihan… dahil nga daw sa bertdey ko, yung pasaway kong pamangkin, ginising ako sa aking mahimbing na pagtulog para lang mag movie time kame. dahil sa wala nga akong budget that day, nahabag ang pinsan ko at nanlibre siya ng balot at penoy.Ü sinong may sabing popcorn lang at mga chichirya ang ka partner ng movie time… sama niyo na sa listahan niyo ang balot at penoy w/ matching sukang maanghang and asin..Ü
nagpapasalamat ako sa mga taong nakaalala sa bertdey galore ko. sa mga team mates ko, sa mga besfrends ko at super frends lalong lalo na kay lio na talagang binati aq ng bongga at hindi nakalimot. sana matapos ka na sa hiatus mode mo.Ü
at sa isa pang taong itago na lang natin sa pangalang “bex”. isang bagong kaibigan na ni surprise ako ng bongga. at sa history ng aking pagkababae, nung araw na nagkita lang kame naramdaman ko na babae pala talaga ko.Ü maraming salamat sa effort bex. alam mo kung gaano ko na appreciate yung effort na ginawa mo. maraming salamat! makakabawi din ako sa mga ginawa mo sa ken. next year ulet, hehehe..Ü
ang wish ko? ung andun pa rin sa wish list ko..Ü
wish list
June 8, 2009 ilang araw na lang bertdey ko na. dahil don ngayon pa lang gusto ko ng ipabatid sa inyong lahat ang mga bagay na gusto kong matanggap sa aking nalalapit na kaarawan.Ü maxado ko kayong mahal at ayokong mahirapan kayo sa pag iisip ng bibigay niyo sa ken…Ü
here’s my top 10 wish list for my birthday:
- bagong selpown (basta malaki yung screen, maganda yung resolution ng camera, may mp3 at may radio)
- laptop (yung pink, win xp ung os, ndi maxadong maliit, ndi rin maxadong malake)
- ipod touch, o kahit yung simpleng iphone na lang na 80gig
- maus- art speigelman (book)
- bahay at lupa (samahan na rin ng kotse)
- makeover package
- wallet na di nauubusan ng pera
- isang matinong lalake na pwede kong gawing biep at mamahalin ako
- trip to disneyland (hk, florida, japan kahit san jan sa tatlo ayos lang talaga sa ken..Ü)
- last but not the least, world peace..Ü
sa totoo lang natawa ako habang kasalukuyan kong tinitipa wish list ko. bakit? napaka ambisyosa ko kasi. oo, alam ko ambixosa talaga kong frog. wish list ko yan kaya walang pakelamanan.
kahit ilang ulit pa kong mag bertdey, alam kong walang magkakamaling magbigay sa kin ng nasa wish list ko. pero, salamat na lang at libre ang mangarap. dahil lahat pwedeng maging posible.Ü sky’s the limit pa..Ü
tumatanggap din naman ako ng mga canned goods, lumang damit, sako sako ng bigas (kailangan sako sako talaga..Ü), o kaya kahit pasa load na lang kahit 2 lang highly appreciated na yon.Ü
lahat ng nasa wish list ko, arti ko lang yon.Ü basta di niyo makalimutan yung bertdey ko, solb na ko don. sobrang ma a appreciate ko talaga yon ng buong giliw. pero kung ba batiin niyo ko, gusto ko yung bongga. yung may effort. yung tipong papagawa kau ng billboard sa edsa tapos may nakalagay na “happy birthday kuting” gusto ko pink yung background, tapos cute yung font, tapos may flowers and butterflies sa background para naman malaman nila na babae ako..Ü
ayun lang, simple lang naman gusto ko di ba…Ü thanks in advance nga pala…Ü
my life would suck without them…
June 4, 2009
kahapon kahit na super maulan ng bongga, hindi ito naging hadlang para makipagkita ako sa mga all time super friends ko. hakshuali, hindi lang naman din yun yung dahilan ng pagkikita namen, may appointment din kasi aq at nung babae sa larawan na itago na natin sa pangalang kat sa aming dentista na kay baet na biglang kinansela ang appointment namen.
so ayun nga, wala na rin naman kameng magagawa kaya minabuti na lang namen na ituloy ang pagkikita namen sa dating tagpuan.. sa bahay nung lalake (sori dai, kailangan kong sabihin talaga na lalake ka para hindi naman nakakalito sa inio ni kat..Ü) sa larawan na itago na lang natin sa pangalang alvin.
1st year college ako nung nakilala ko si kat at di naglaon naging kaibigan pati na rin si alvin. sa tatlong taon namen na pagsasama sa aming sintang paaralan nung kolehiyo, marami kaming mga bagay na natutunan, pinagsisihan, iniyakan at pinasalamatan. makulay ang buhay nameng mga bakla lalo na ngayon na hindi na namen kinahihiyaang pag usapan ang sex (nung college kz mejo hiya hiyaan pa kame..Ü) at mag share ng thoughts, feelings, and emotions tungkol sa bagay na yon. nakakatuwa kasi kahit kame ni kat na wala pang karanasan eh, namumulat na rin sa mga makamundong usapan at marami na kameng natututunan.
siyempre iisa lang din ang line of work naming tatlo, kolgirls kameng lahat. kame ni alvin sa makati si kat sa alabang. simula ng magka trabaho kame medyo madalang na ang pagkikita namen gawa ng iba iba ang iskedyul namen sa pinagpuputahan namen. nakakasira talaga ang klase ng trabaho namen sa frendship.Ü pero siyempre, hindi pwedeng hindi kame magkita kita kahit once a month lang. kahit mga 1 hour lang kameng magkita kita, ayos na sa men yon. ang importante, nakita namen ang presenxa ng isa’t isa.Ü
hindi ako ms. friendship, lalong hindi rin ako snob. bilang lang talaga at piling pili ang mga kaibigan ko. sabihin na lang naten na may pagka choosy ako pagdating sa mga kaibigan. kung hindi kita feel, sorry na lang. mas gugustuhin ko na lang mag isa kesa makipagplastikan. karaniwang nangyayare sa ken eh, kung kanino ako madikit sila na talaga yung nagiging super frends ko. kagaya na lang ng nangyari sa aming tatlo.
mabuti na lang din at hindi kame natuloy ni kat kina doc. parang inadya talaga ng panahon na mangyari yon. at least nagkaroon kame ng mejo mahaba mahabang oras para magpalitan ng mga chikahan, kuro kuro at chismax na pinag uusapan sa buong bayan…Ü
simple lang kaligayahan ko, makasama ko lang sila ayos na ayos na buong araw ko. ramdam na ramdam ko kasi yung security sa piling nila. alam kong kahit na anong mangyare, nasa tabi ko sila (basta pare pareho iskedyul namn..Ü). kasama kong tatawa sa mga kagagahan ko, mag e emote sa mga problema namen na walang katapusan, at tatawa na naman dahil alam namen na magiging ayos din ang lahat at nasa amen pa rin ang huling halakhak.
gloomy sunday
May 24, 2009ang pinaka ayoko sa lahat eh, yung hindi ko gusto…Ü magulo ba? alam ko, kahit ako naguluhan din eh. kung bakit naman kasi napaka walanghiya ng mga pagkakataon eh. kagaya na lang ng ngyari ngayong araw na ito. tamang nanonood ako ng pelikula ni crushee john loyd ng bigla siyang nagparamdam. for the longest time, mga 2 mos. matagal na yun diba..Ü so ayun nga, after 2 mos. na walang pagpaparamdam, all of a sudden bigla siyang nakaalala.
simula nung di na siya nagpaparamdam at nag te text, sinabi ko na sa sarili ko na wala na talagang pag asa yung relasyon namen. nasanay na rin ako na wala akong balita at wala na talaga siyang pakelam sa ken. pero bakit ganon yung naramdaman ko nung nakausap ko siya. akalo ko ok na ko. akala ko tanggap ko na yung nangyari sa walang kwentang relasyon namen. lahat na lang puro akala. lahat na lang assumption at make believe. dahil ang totoo sobrang apektado pa rin ako sa kanya.
ni delete ko pa yung number niya dahil sa pag aakalang wala na talaga siya sa buhay ko. pero, surprise surprise!pagakakita ko pa lang ng 1st four digits ng number niya eh, kinabahan na ko ng bongga. yung tipong nakita mo yung crush mo at parang may butterflies in your stomach effect. alam ko sobrang weird. dahil ilang beses ko ng nasabi sa mga super friends ko na i’m over him.pero again, akala ko lang pala lahat yun. iba pala talaga pag anjan na yung presensiya ng taong kala mo eh, wala ng halaga sa iyo.
what made me more sad about his text is the fact that he’s still insensitive, and that it seems that our relationship didn’t exist to him at all. naka ilang palitan kame ng text hanggang sa hindi na lang siya nag reply (poverty, na chek op..Ü). andun yung kumustahin ko buhay niya pati na rin yung baby niya (ouch!). siyempre, being the best actress that i am, kunware wala lang sa ken lahat at buong giliw lang akong nakipagpalitan ng text. sa pag aakalang mabanggit niya yung status ng relationship namen, sorry naman sa ken at parang hindi na ko nasanay, ayun parang wala lang sa kanya talaga. parang nakipag kumustahan lang siya sa kanyang long lost friend.
hindi ko alam kung maiinis ba ko sa bigla niyang pagpaparamdam o dahil sa katotohanang balewala lang talaga sa kanya kung anu man yung nangyare sa men. mahirap lang siguro talaga matanggap na after all these time eh, pinaniwala ko lang yung sarili ko na may karelasyon ako. at umasa ako na mamahalin niya ko.:(
sana sa next post ko na patungkol sa kanya eh, tungkol na sa acceptance and moving on. for now, wala akong magagawa kundi i convince ang sarili ko na wala na talaga kong dapat asahan sa kanya. my life must go on. i still believe that one day, love will come knocking at my door and i will live happily ever after w/ my mr. right.
yannah turns 4
May 19, 2009
alam ko na mukang mahalay yung dating ng super kyut na bata jan sa pix..Ü naaliw lang ako sa pic kaya yan ang nilagay q at hindi ko binebenta yang batang yan… i so love that little girl. she’s my one and only pamangkin and Bro knows how much i love her. she turned 4 last may 19. natuwa lang ako kz ang laki laki na nia…
ayokong mag emote emotan kaya hindi ko na lang i she share kung pano nabuo yung pamangkin ko. next time na lang yung history.basta ang alam ko mahal na mahal ko siya at lahat gagawin ko para mapalaki namen siya ng maayos. kahit pa ang kapalit non ay ilang araw, buwan, taon at gabi ng pagpapaka puta sa aming kutaan (at para namang may choice aq..Ü). hinding hindi ko pagsisisihan yon para sa pamangkin ko para lang mabigyan xa ng magandang kinabukasan.
i so love her. para ko na talaga siyang anak. wala akong pinagsisisihan sa lahat ng ginagawa at gagawin ko para sa kanya. ayoko lang makaranas siya ng hirap. ayokong maranasan nia yung naranasan namen ng nanay niya.
heniwei, enough of my mmk moment. nursery na siya this june. at siyempre super excited kame ni mama. napaghandaan na namen ng bongga yung mga gamit niya pati na rin siyempre yung bongga niyang tuition. sa sobrang excited ko, pinasok ko siya ng summer classes para lang makita namen kung interesado na ba siyang mag aral. mabuti na lang at di siya nagmana sa tita niyang tamad, ayun kahit na may sakit siya, pasok pa rin siya ng bongga.ang nakakatuwa pa, maraming nga positive feedback sa kanya yung teacher niya pati na rin yung principal. sabi pa nga nung teacher nia pede na siya mag skip ng nursery at mag kinder 1 na siya. hindi ko alam kung cnabi yon ni teacher niya dahil nakitaan nila ng potensiyal yung pamangkin ko o gusto lang nilang madagdagan yung babayaran namen(mas mahal kz tuition ng k1).Ü
ang piktyur na nasa itaas ay isang patunay na interesado talagang mag aral si pamamngkin ko. star yan na may nakalagay na very good, hindi kasi mabasa eh..Ü hindi importante sa men kung magka award ek ek siya. ang importante sa men ay maging masipag siya sa pag aaral at siyempre huwag muna siyang mag aasawa ng maaga. or else, la lang or else lang…Ü
hapi montsari!
March 18, 2009hapi montsari!
jan. 17 2009, magka text tau non. kung ano ano pinag uusapan naten hanggang dumating sa punto na tungkol sa ting 2 na ang topic naten. napaka adik q naman kung ndi q aaminin na super kinikilig aq nung tym na un. at ngyari na nga ang inaasahan q. naging tau ulet. sobrang saya q nung araw na un. ndi q xa inaasahan at alam qng imposible na mangyari talaga yun, pero ngyari xa.
hapi montsari!
sa loob ng dalawang buwan nating pag uusap at mga bilang na beses na pagkikita akala q may mababago sa dating takbo ng relasyon naten. wala pala. kung ano ka nung unang naging tayo, ganon ka pa rin hanggang ngayon. insensitive, walang pakelam, at ngayon napapag isip na q kung ano ba talaga q sa u. minsan tinanong kita kung ano ba q talaga sa u, halos napagtalunana natin un. dahil di aq na satisfy sa sagot mo. sabi mo mahalaga q sa u at mahal mo q. pero action speaks louder than words. ibang iba yung pinapakita mo sa ken sa mga cnasabi mo. kung ganon yung way mo ng pagmamahal, gudlak naman sa ken at darating na lang yung tym na halos hindi q na rin cguro alam kung pano ka mamahalin.
hapi montsari!
sa twing may problema aq at gusto q ng kausap, gusto q sana ikaw ang makinig sa walng kwenta qng mga hinanaing sa buhay, pero hindi q masabi sa u lahat ng ngyayari sa kin at lahat ng mga gumugulo sa ken. baket? dahil alam qng ndi ka interesado at sasabihin mo lang na “ayos lang yon, hayaan mo na lang”. ilang beses akong nag attempt na mag share sa u, dahil i consider u as a part of my life, pero parang wala lang talaga sa u. sabagay, option molang naman kz q eh. yung tipong pag wala ka ng makausap eh, a na yung maiicp mo. alam mo kz cguro na lage aqng naka suporta sa u at lage kitang papakinggan ano man yung sabihin mo. kz nga importante ka sa ken, kaya aq na lang yung nag i involve ng sarili q sa u. sori ulet sa ken, dahil ndi na yata mangyayari na i i involve mo q sa mundo mo.
hapi montsari!
everytime na may problema aq sa u at nag o open up aq, lageng sa kin pa rin ang balik ng lahat. ayoqng sumbatan ka, dahil sobrang iniintindi kita. pero sana minsan aq naman yung intindihin mo. sana minsan maisip mo na may pakiramdam din aq at nasasaktan sa mga ginagawa mo. at sana minsan natatanong mo sa sarili mo kung nakakasakit ka na ba o kung nasasaktan mo na q. sorry, insensitive ka nga pala. for sure ndi na naman mangyayari un. minsan sa isang araw ilang beses ka lang mag te text. ayos lang sa ken, kz ayaq kong isipn mo na cnasakal kita. pag aq yung ndi nag te text, sobrang galit na galit ka kala mo kung ano na yung ginawa q sa u. para lang matapos na ang lahat, aq na ang sumusuyo sa u kahit na lam qng ndi dapat dahil wala naman aqng ginagawa sa u.
hapi montsari!
kahapon montsari naten. ndi q alam kung kinalimutan mo o nakalimutan mo o alam mo pero wala ka lang talagang pakelam. ndi mo q binate. kung ndi aq ng paramdam ndi ka rin magpaparamdam. buti pa yung kaibigan mo nakasama ka dahil may problema xa. samantalang aq, naghihintay lang na mabate mo ng “hapi birthday” kz sabe maxado ng common yung “hapi montsari” pero wala aqng na receive na text. hinintay q yung text bago mag 12 midnyt, last month kz ganon ginawa mo,pero wala talaga qng na receive. sana lang alam mo lahat ng ginagawa mo sa ken at kung gano na q nasasaktan sa lahat ng nangyayari sa ten. cguro nga ndi ka na talaga magbabago at hinihntay mo na lng yung araw na makipaghiwalay aq sa u. darating na yun..malapit na. sabi q sa mga kaibigan q ang status ng puso q ay lupaypay at pawisan na na may bimpo pa sa likod nia dahil sa sobrang pagod na xa. don’t wori, ok pa rin naman xa. mejo nakapagpahinga na. pag dumating yung tym na halos ndi na xa makahinga, un na yung tym na iiwan na kailangan ko ng magpaalam sa u. ayoqong dumating yung tym na wala na talagang natitra na kahit na ano para sa u. ndi q lang alam kung pano q tatapusin yung nacmulan naten. hapi belated birthday pala! :’(
i guess this is goodbye
March 5, 2009since i posted my first entry yesterday, parang na inspire aq ng bongga na mag post ng mag post.Ü ganito naman talaga q, pag may nahiligan aq gusto q xang gawin ng gawin hanggang sa pagsawaan q na lang xa. nagpapaka senti aq ngaun para naman may mahugot aqng emotion at mejo ma inspire na talaga q ng bongga dito sa next entry q.
2 yrs ago when my bf and i broke up. i broke up with him. ndi q kz maramdaman na importante aq sa kanya. alam qng imposible na sa ilang buwan pa lang nameng pagkakakilala ay mamahalin na nia talaga q. ndi naman parang teleserye ang buhay pag ibig q. pero sa loob ng ilang buwan ng pakikipagpalitan ng text messages at tawagan eh, na ralize q na hanggang dun na lang talaga kame. na hindi nia talga q kayang pahalagahan, at ndi na talaga darating ung tym na mamahalin nia q and we will live happily ever after.
i was surprised when i received a message from him, informing me that he changed his number. natuwa talaga q non. naicp q ndi pa pala nia q nakalimutan. ndi xa yung typical type ng bf. ndi xa swit, at lalong ayaw niang magpakita ng emotions nia. nung una q pa lang xang nakilala na challenge na talaga q sa attitude nia. nung mga panahon na un, umiral na naman ang pagiging idealistic q at naicp q baka pag na inlove xa sa ken eh, lumabas yung tunay nia talagang ugali. yung prang mga napapanood q na romance movies na once ma inlove c guy na mukang ndi talaga marunong magmahal eh, he’ll do evrything in the end para lang dun sa babaeng mahal nia. but i was wrong. unang una, ndi xa in love sa ken. at ni hindi nia q kyang i priorotize. i was just one of his options. being the stupid/martyr lover that i am, aun hinayaan q lang xa kung pano nia q i trato as his “gf”.
i know my worth, pero bakit q hinayaan mangyari un. ganon cguro talaga pag may gus2 kang mangyari. after all, ma re realize mo din bandang huli na ndi na maganda yung ngyayari at gusto mo ng matapos lahat. at ganon nga ang ngyari, i broke up w/ him. ndi q kinaya ang pagiging insensitive nia. after 2 mos bago q pa natnggap na ndi na talaga xa magbabago para sa kin. ndi q naman gustong magbago xa totally. ang gusto q lang ma appreciate nia aq at pahalagahan. pero sorry sa ken, kz iluxon q lang lahat un.
after 2 years, naging kame ulet. nagkabalikan kame last january. 2 mos pa lang nakakalipas pero parang ganon na naman mangyayari sa men. i’m still holding on kz nga andun pa rin yung hope q na bago 2buan xa ng sensitivity. pero parang malabo talaga yung gus2 qng mangyari. kahit anong effort q wala pa din. insensitive pa din xa, at minsan parang wala na talaga xang pakelam. sabi nga ni mo twister, once a lame bf, alway a lame bf. curo magbabbago lang xa pag na22 na xang magmahal. unfor2n8ly ndi aq yung taong makakakpagpabago sa kanya. sasaktan q lang yung sarili q ng bongga.
for now, hahayaan q na lang kung ano ung ngyayari sa men. darating din yung tym na pareho na lang kameng magsasawa. at bago pa man mngyari un, sana may natitira pa ren para sa sarili q.
to write or not to write
March 4, 2009aun… dahil sa ambixosa q at di q bet mgsulat kaya q naicipan mag blog. at least super type lang aq at pag ndi q bet yung sinulat q ilang puno ang ma sa save dahil sa hindi q pag aaksaya ng papel. blog reader lang talaga q. at 2wang 2wa and at d same time eh, inggit na inggit aq sa mga taong may talent sa pagsusulat. wala aqng pake kung may bumisita o magbasa nito. ang gus2 q lang may maging outlet aq pag wala aqng makausap at pag filing q malapit na ang end of d world. ndi aq magaling sumulat. aminado talaga q don. nakakahiya mng sabihin pero journalism graduate aq. buti na lang mababait mga prof q at naipasa q pa mga subject q. ndi q bet magtrabaho sa mga newspaper at magsulat sulat. dahil alam q na aabutin aq ng ilang dekada bago aq makagawa ng isang article na magugustuhan ng aking mga mambabasa.. kaya imbes na ma stress aq kaiicip sa isu2lat q, e2 nagpapakaputa q sa makati. ilang beses q ng cnubukan na sumulat ng buong giliw pero wala talaga. mapa ingles o tagalog sablay talaga q. yung mga best friends q nga nung college natatwa cla sa ken pag kylangan namn magpasa ng article. cla patapos na aq wala pang title at wala pang naccmulan. naicp q nga non cguro nga ndi aq para dun sa kurso na napili q. pero dahil sa natapos q yung kurso q, cguro nga para sa kin na rin un. magulo.. pero sabi nga nila evertyhing happens for a reason. kung skali mang may mapadaan dito at makabasa ng gawa q, ipagpaumanhin nio na, ndi talaga q magaling sumulat. gusto q lang ng may mapaglalabasan ng sama ng loob.




