Home » Archives » May 2009
Embracing the art and joy of being single...

gloomy sunday

May 24, 2009

 ang pinaka ayoko sa lahat eh, yung hindi ko gusto…Ü magulo ba? alam ko, kahit ako naguluhan din eh. kung bakit naman kasi napaka walanghiya ng mga pagkakataon eh. kagaya na lang ng ngyari ngayong araw na ito. tamang nanonood ako ng pelikula ni crushee john loyd ng bigla siyang nagparamdam. for the longest time, mga 2 mos. matagal na yun diba..Ü so ayun nga, after 2 mos. na walang pagpaparamdam, all of a sudden bigla siyang nakaalala.

 simula nung di na siya nagpaparamdam at nag te text, sinabi ko na sa sarili ko na wala na talagang pag asa yung relasyon namen. nasanay na rin ako na wala akong balita at wala na talaga siyang pakelam sa ken. pero bakit ganon yung naramdaman ko nung nakausap ko siya. akalo ko ok na ko. akala ko tanggap ko na yung nangyari sa walang kwentang relasyon namen. lahat na lang puro akala. lahat na lang assumption at make believe. dahil ang totoo sobrang apektado pa rin ako sa kanya.

 ni delete ko pa yung number niya dahil sa pag aakalang wala na talaga siya sa buhay ko. pero, surprise surprise!pagakakita ko pa lang ng 1st four digits ng number niya eh, kinabahan na ko ng bongga. yung tipong nakita mo yung crush mo at parang may butterflies in your stomach effect. alam ko sobrang weird. dahil ilang beses ko ng nasabi sa mga super friends ko na i’m over him.pero again, akala ko lang pala lahat yun. iba pala talaga pag anjan na yung presensiya ng taong kala mo eh, wala ng halaga sa iyo.

 what made me more sad about his text is the fact that he’s still insensitive, and that it seems that our relationship didn’t exist to him at all. naka ilang palitan kame ng text hanggang sa hindi na lang siya nag reply (poverty, na chek op..Ü). andun yung kumustahin ko buhay niya pati na rin yung baby niya (ouch!). siyempre, being the best actress that i am, kunware wala lang sa ken lahat at buong giliw lang akong nakipagpalitan ng text. sa pag aakalang mabanggit niya yung status ng relationship namen, sorry naman sa ken at parang hindi na ko nasanay, ayun parang wala lang sa kanya talaga. parang nakipag kumustahan lang siya sa kanyang long lost friend.

 hindi ko alam kung maiinis ba ko sa bigla niyang pagpaparamdam o dahil sa katotohanang balewala lang talaga sa kanya kung anu man yung nangyare sa men. mahirap lang siguro talaga matanggap na after all these time eh, pinaniwala ko lang yung sarili ko na may karelasyon ako. at umasa ako na mamahalin niya ko.:(

 sana sa next post ko na patungkol sa kanya eh, tungkol na sa acceptance and moving on. for now, wala akong magagawa kundi i convince ang sarili ko na wala  na talaga kong dapat asahan sa kanya. my life must go on. i still believe that one day, love will come knocking at my door and i will live happily ever after w/ my mr. right.

 

Posted by hatemeorloveme at 8:18 pm | permalink | comments[8]

yannah turns 4

May 19, 2009

   alam ko na mukang mahalay yung dating ng super kyut na bata jan sa pix..Ü naaliw lang ako sa pic kaya yan ang nilagay q at hindi ko binebenta yang batang yan… i so love that little girl. she’s my one and only pamangkin and Bro knows how much i love her. she turned 4 last may 19. natuwa lang ako kz ang laki laki na nia…

 ayokong mag emote emotan kaya hindi ko na lang i she share kung pano nabuo yung pamangkin ko.  next time na lang yung history.basta ang alam ko mahal na mahal ko siya at lahat gagawin ko para mapalaki namen siya ng maayos. kahit pa ang kapalit non ay ilang araw, buwan, taon at gabi ng pagpapaka puta sa aming kutaan (at para namang may choice aq..Ü). hinding hindi ko pagsisisihan yon para sa pamangkin ko para lang mabigyan xa ng magandang kinabukasan.

 i so love her. para ko na talaga siyang anak. wala akong pinagsisisihan sa lahat ng ginagawa at gagawin ko para sa kanya. ayoko lang makaranas siya ng hirap. ayokong maranasan nia yung naranasan namen ng nanay niya.

 heniwei, enough of my mmk moment. nursery na siya this june. at siyempre super excited kame ni mama. napaghandaan na namen ng bongga yung mga gamit niya pati na rin siyempre yung bongga niyang tuition. sa sobrang excited ko, pinasok ko siya ng summer classes para lang makita namen kung interesado na ba siyang mag aral. mabuti na lang at di siya nagmana sa tita niyang tamad, ayun kahit na may sakit siya, pasok pa rin siya ng bongga.ang nakakatuwa pa, maraming nga positive feedback sa kanya yung teacher niya pati na rin yung principal. sabi pa nga nung teacher nia pede na siya mag skip ng nursery at mag kinder 1 na siya. hindi ko alam kung cnabi yon ni teacher niya dahil nakitaan nila ng potensiyal yung pamangkin ko o gusto lang nilang madagdagan yung babayaran namen(mas mahal kz tuition ng k1).Ü

 

 ang piktyur na nasa itaas ay isang patunay na interesado talagang mag aral si pamamngkin ko. star yan na may nakalagay na very good, hindi kasi mabasa eh..Ü hindi importante sa men kung magka award ek ek siya. ang importante sa men ay maging masipag siya sa pag aaral at siyempre huwag muna siyang mag aasawa ng maaga. or else, la lang or else lang…Ü

Posted by hatemeorloveme at 4:22 pm | permalink | comments[4]