my life would suck without them…
June 4, 2009
kahapon kahit na super maulan ng bongga, hindi ito naging hadlang para makipagkita ako sa mga all time super friends ko. hakshuali, hindi lang naman din yun yung dahilan ng pagkikita namen, may appointment din kasi aq at nung babae sa larawan na itago na natin sa pangalang kat sa aming dentista na kay baet na biglang kinansela ang appointment namen.
so ayun nga, wala na rin naman kameng magagawa kaya minabuti na lang namen na ituloy ang pagkikita namen sa dating tagpuan.. sa bahay nung lalake (sori dai, kailangan kong sabihin talaga na lalake ka para hindi naman nakakalito sa inio ni kat..Ü) sa larawan na itago na lang natin sa pangalang alvin.
1st year college ako nung nakilala ko si kat at di naglaon naging kaibigan pati na rin si alvin. sa tatlong taon namen na pagsasama sa aming sintang paaralan nung kolehiyo, marami kaming mga bagay na natutunan, pinagsisihan, iniyakan at pinasalamatan. makulay ang buhay nameng mga bakla lalo na ngayon na hindi na namen kinahihiyaang pag usapan ang sex (nung college kz mejo hiya hiyaan pa kame..Ü) at mag share ng thoughts, feelings, and emotions tungkol sa bagay na yon. nakakatuwa kasi kahit kame ni kat na wala pang karanasan eh, namumulat na rin sa mga makamundong usapan at marami na kameng natututunan.
siyempre iisa lang din ang line of work naming tatlo, kolgirls kameng lahat. kame ni alvin sa makati si kat sa alabang. simula ng magka trabaho kame medyo madalang na ang pagkikita namen gawa ng iba iba ang iskedyul namen sa pinagpuputahan namen. nakakasira talaga ang klase ng trabaho namen sa frendship.Ü pero siyempre, hindi pwedeng hindi kame magkita kita kahit once a month lang. kahit mga 1 hour lang kameng magkita kita, ayos na sa men yon. ang importante, nakita namen ang presenxa ng isa’t isa.Ü
hindi ako ms. friendship, lalong hindi rin ako snob. bilang lang talaga at piling pili ang mga kaibigan ko. sabihin na lang naten na may pagka choosy ako pagdating sa mga kaibigan. kung hindi kita feel, sorry na lang. mas gugustuhin ko na lang mag isa kesa makipagplastikan. karaniwang nangyayare sa ken eh, kung kanino ako madikit sila na talaga yung nagiging super frends ko. kagaya na lang ng nangyari sa aming tatlo.
mabuti na lang din at hindi kame natuloy ni kat kina doc. parang inadya talaga ng panahon na mangyari yon. at least nagkaroon kame ng mejo mahaba mahabang oras para magpalitan ng mga chikahan, kuro kuro at chismax na pinag uusapan sa buong bayan…Ü
simple lang kaligayahan ko, makasama ko lang sila ayos na ayos na buong araw ko. ramdam na ramdam ko kasi yung security sa piling nila. alam kong kahit na anong mangyare, nasa tabi ko sila (basta pare pareho iskedyul namn..Ü). kasama kong tatawa sa mga kagagahan ko, mag e emote sa mga problema namen na walang katapusan, at tatawa na naman dahil alam namen na magiging ayos din ang lahat at nasa amen pa rin ang huling halakhak.
Previous Comments
@katmenace hahahahaha, langya ka dai… kala q pa naman na appreciate mo yung ginawa q.. and i know ur life will never be the same w/o me, hehehehe kala mo jan ha… pede mo din lagay yung pic mo sa site mo, kahit di ka na magpaalam sa ken ok lang talaga… hahahah.. labyaw.. taking care…..
Posted by kuting at June 5, 2009, 3:56 pmkung hindi kita feel, sorry na lang. mas gugustuhin ko na lang mag isa kesa makipagplastikan.
amen! ganito rin ako sa teleserye ng totoong buhay. magka-wavelength nga tayo kung ganun. hehehe.
mabuti naman at meron kang kaibigang nagiging katuwang mo sa mga pakdatshit ng buhay. mahirap mapag-isa kaya hanggat maaari, wag mo silang iiwan. at wag ka ring magpapaiwan. take it from me. at nagpaka-emo na naman ako. huhlolz!
kbye!
*hiatus mode ule*
Posted by lio loco at June 5, 2009, 10:12 pmnaq lio, sobrang mahal ko yang mga frendshipness q.. kagaya nga nga nasabi q, bilang lang talaga cla at kung naging ka team mate nga kita, malamang sa malamng super friend na talaga kita. lam mo naman na gusto talaga ktang maging feend diba, hehehe
wala sa bukabolaryo ko ang mang iwan. ayos lang sa ken na maiwan basta hindi aq mang iiwan. masakit mapag iwanan lalo na ng mga taong inaasahan mo na dadamay sa u.. diba…
aun lang, salamat sa pag daan… taking care.. at aabangan q ang pagbabalik mo ng bongga…
ps: nagpupunta rin aq datisa site ni ferbert, nakabalik na ba xa?
Posted by hatemeorloveme at June 6, 2009, 1:15 pmin fairness, gusto ko yung title (kasi may word na suck) so nagiimprove ka na talaga dai dahil konti na rin yung mga text abbreviations. at in fairness maganda ang topic kasi super postive.
sayang nmn c Alvin dahil nakyutan ako sa pic niya. talagang beki hindi lang bilog ang mundo.
naiingit nmn ako sa inyo tropa kasi laging nasa inyo ang huling halakhak…hehehe
Posted by chocoprince at June 8, 2009, 9:50 am@chocoprince napaka bastos mo talaga kahit kelan. mapa comment o matinong usapan hindi pwedeng hindi ka maging bastos.. suck you…Ü
bongga talaga yang frendship q na yan (at talagang binenta q xa diba…Ü) makikita mo rin xa sa mga susunod na panahon..Ü
mainggit ka talaga dai..Ü pero dahil sa frendship kita, kasama ka s mga kasama kong hahalakhak sa huli…Ü
thanks much dai.. taking care…Ü
Posted by hatemeorloveme at June 8, 2009, 10:14 am


at cnong ngsabing pwede mong ilagay ang picture ko d2 ng wlang pahintulot ha?! mahal ang talent fee ng mge precious pics ko ha..echos!Ü. i know u need us and ur nothing w/o us..haha! tc!Ü
Posted by katmenace at June 5, 2009, 3:48 pm