Home » Archives » 19. June 2009
Embracing the art and joy of being single...

wish list (part 2)

June 19, 2009

 isang linggo ng nakalipas matapos ang aking bonggang kaarawan. bongga dahil holiday siya at sini celebrate nating mga Pilipino at hindi dahil nag pa party galore ako. napansin ko lang na sa ilang taon ng lumipas ay walang nabago sa pag celebrate ng birthday ko. sabi ng iba kailangan itong i celebrate dahil binigyan ka ng another year ni Bro. panibagong taon para patuloy na mangarap at isakatuparan kung ano man yung mga pinapangarap naten. at siyempre, tanda na naman ito ng ating pagtanda.:(

  parang normal na araw lang to sa kin. nagkataon na may pasok ako sa putahan, kaya ayun gumising ako ng maaga para mag prepare sa pagpasok. natuwa naman ako kasi si inang lahi ngluto ng pansit para humaba pa buhay namen..Ü at nag dikit sa ding ding namen ng “happy 24th birthday sandy”. wala akong planong maghanda o mag celebrate ng araw na yon dahil alam kong wala akong budget kahit na payday. palaging ganon ang nangyayari pag bertdey ko, pero lage xang nagiging special dahil sa mga ginagawa sa ken ni mama. nung mga nakaraang taon lageng may letter sa ken c mama. this year, may kiss pa ko sa kanya kasabay ng pagbati ng “hapi bertdey” habang hinihintay niya kong makasakay ng taxi dahil nga may pasok ako. sobrang na touch ako sa ginawa niya. kaya ayun, nag moment ako sa taxi. habang busy si manong driver sa pag da drive at pakikinig ng wild confessions sa fm radio, ako naman eh, patuloy sa pagpigil sa mga luha ko habang nagpapasalamat kay Bro sa lahat ng mga blessings niya sa kin for 24 years and still counting. c yannah naman, dahil nga holiday at wala silang pasok, kaya daw walang pasok dahil birthday ko.Ü at kinagabihan may gift siyang ice cream na hindi ko natikman dahil nakatulog ako ng maaga.

  siyempre, hindi mawawala ang greetings galore sa ken ng mga ka team mate ko. at mawawala ba naman ang mga katagang “blow out” at “painom ka naman”…Ü nagpasalamat naman ako sa kanila kasabay ng pasasalamat sa pag intindi nila na hindi ako makapag blow out.Ü after ng shift namen, nag lunch kame ng mga ka bexshipness ko. tapos sa wakas nakatikim na rin ako ng ice cream sa haagen dazs.Ü dahil sa mahal ang isang scoop talaga ninamnam ko ng bongga ang pagkain ko non. wala akong nabiling gift para sa sarili ko. at walang natupad sa wish list ko..Ü pero keri lang, may next year pa naman eh, diba Bro.?!Ü

 kingabihan… dahil nga daw sa bertdey ko, yung pasaway kong pamangkin, ginising ako sa aking mahimbing na pagtulog para lang mag movie time kame. dahil sa wala nga akong budget that day, nahabag ang pinsan ko at nanlibre siya ng balot at penoy.Ü sinong may sabing popcorn lang at mga chichirya ang ka partner ng movie time… sama niyo na sa listahan niyo ang balot at penoy w/ matching sukang maanghang and asin..Ü

   nagpapasalamat ako sa mga taong nakaalala sa bertdey galore ko. sa mga team mates ko, sa mga besfrends ko at super frends lalong lalo na kay lio na talagang binati aq ng bongga at hindi nakalimot. sana matapos ka na sa hiatus mode mo.Ü

  at sa isa pang taong itago na lang natin sa pangalang “bex”. isang bagong kaibigan na ni surprise ako ng bongga. at sa history ng aking pagkababae, nung araw na nagkita lang kame naramdaman ko na babae pala talaga ko.Ü maraming salamat sa effort bex. alam mo kung gaano ko na appreciate yung effort na ginawa mo. maraming salamat! makakabawi din ako sa mga ginawa mo sa ken. next year ulet, hehehe..Ü

 ang wish ko? ung andun pa rin sa wish list ko..Ü

Posted by hatemeorloveme at 8:04 pm | permalink | comments[17]