Home » Post Item » wish list (part 2)
wish list (part 2)
June 19, 2009isang linggo ng nakalipas matapos ang aking bonggang kaarawan. bongga dahil holiday siya at sini celebrate nating mga Pilipino at hindi dahil nag pa party galore ako. napansin ko lang na sa ilang taon ng lumipas ay walang nabago sa pag celebrate ng birthday ko. sabi ng iba kailangan itong i celebrate dahil binigyan ka ng another year ni Bro. panibagong taon para patuloy na mangarap at isakatuparan kung ano man yung mga pinapangarap naten. at siyempre, tanda na naman ito ng ating pagtanda.:(
parang normal na araw lang to sa kin. nagkataon na may pasok ako sa putahan, kaya ayun gumising ako ng maaga para mag prepare sa pagpasok. natuwa naman ako kasi si inang lahi ngluto ng pansit para humaba pa buhay namen..Ü at nag dikit sa ding ding namen ng “happy 24th birthday sandy”. wala akong planong maghanda o mag celebrate ng araw na yon dahil alam kong wala akong budget kahit na payday. palaging ganon ang nangyayari pag bertdey ko, pero lage xang nagiging special dahil sa mga ginagawa sa ken ni mama. nung mga nakaraang taon lageng may letter sa ken c mama. this year, may kiss pa ko sa kanya kasabay ng pagbati ng “hapi bertdey” habang hinihintay niya kong makasakay ng taxi dahil nga may pasok ako. sobrang na touch ako sa ginawa niya. kaya ayun, nag moment ako sa taxi. habang busy si manong driver sa pag da drive at pakikinig ng wild confessions sa fm radio, ako naman eh, patuloy sa pagpigil sa mga luha ko habang nagpapasalamat kay Bro sa lahat ng mga blessings niya sa kin for 24 years and still counting. c yannah naman, dahil nga holiday at wala silang pasok, kaya daw walang pasok dahil birthday ko.Ü at kinagabihan may gift siyang ice cream na hindi ko natikman dahil nakatulog ako ng maaga.
siyempre, hindi mawawala ang greetings galore sa ken ng mga ka team mate ko. at mawawala ba naman ang mga katagang “blow out” at “painom ka naman”…Ü nagpasalamat naman ako sa kanila kasabay ng pasasalamat sa pag intindi nila na hindi ako makapag blow out.Ü after ng shift namen, nag lunch kame ng mga ka bexshipness ko. tapos sa wakas nakatikim na rin ako ng ice cream sa haagen dazs.Ü dahil sa mahal ang isang scoop talaga ninamnam ko ng bongga ang pagkain ko non. wala akong nabiling gift para sa sarili ko. at walang natupad sa wish list ko..Ü pero keri lang, may next year pa naman eh, diba Bro.?!Ü
kingabihan… dahil nga daw sa bertdey ko, yung pasaway kong pamangkin, ginising ako sa aking mahimbing na pagtulog para lang mag movie time kame. dahil sa wala nga akong budget that day, nahabag ang pinsan ko at nanlibre siya ng balot at penoy.Ü sinong may sabing popcorn lang at mga chichirya ang ka partner ng movie time… sama niyo na sa listahan niyo ang balot at penoy w/ matching sukang maanghang and asin..Ü
nagpapasalamat ako sa mga taong nakaalala sa bertdey galore ko. sa mga team mates ko, sa mga besfrends ko at super frends lalong lalo na kay lio na talagang binati aq ng bongga at hindi nakalimot. sana matapos ka na sa hiatus mode mo.Ü
at sa isa pang taong itago na lang natin sa pangalang “bex”. isang bagong kaibigan na ni surprise ako ng bongga. at sa history ng aking pagkababae, nung araw na nagkita lang kame naramdaman ko na babae pala talaga ko.Ü maraming salamat sa effort bex. alam mo kung gaano ko na appreciate yung effort na ginawa mo. maraming salamat! makakabawi din ako sa mga ginawa mo sa ken. next year ulet, hehehe..Ü
ang wish ko? ung andun pa rin sa wish list ko..Ü
Previous Comments
ayan dumann na ako ha.
hapi bday at maganda na marinig na naging maligaya ka sa iyong kaarawan.
Posted by JP at June 20, 2009, 3:32 am@ warmae,
hahahaha, at isa pang hahahaha…. i so love you talaga…Ü
next year hindi na q papayag na greeting lang ha… dapat may nakabalot na. at pag cpa ka na, lam mo yan lalong hindi pedeng walang gift.
wala akong wisdom na kagaya ni bob ong, ni k kwento ko lang yung mga ngyari sa buhay q..Ü
taking care upay…Ü
Posted by hatemeorloveme at June 20, 2009, 2:53 pm@ jp,
salamat sa pagbisita. nakunxenxa ka ba sa sinabi q?Ü
balik ka ulet next tym…
taking care..Ü
Posted by hatemeorloveme at June 20, 2009, 2:54 pmParehas lang tayo ng kapalaran dai, bukod as holiday din ang bday ko ay parang tuwing birthday ko na lng poverty galore ako. Buti pa ang mga kapatid ko tumatapat sa payday ko ang mga bertdey nilang lahat.
Heniways, gud lak na lang sa iyong affair kay BEX at sana maging masaya ka sa pagtahak mo sa landas ng pag-ibig. Hehehe!!!!
Posted by chocoprince a.k.a. Miyawman at June 21, 2009, 7:02 ambwict, nakikisali ka na naman sa moment ko ha…Ü next time di na ko papayag na mag comment ka…. labyu dai…Ü
gudlak talaga dai….. at isa pang gudlak! nararamdaman ko na walng patutunguhan yung landas naming dalawa…. we’ll remain as friends… friends w/ benefits…Ü thanks dai…
taking care…Ü
Posted by hatemeorloveme at June 21, 2009, 7:07 amfriends w/ benefits — mutualism yan!!!
so gud lak na lng sa tinatahak niyong ecosystem.
Posted by miyawman pa rin at June 21, 2009, 7:09 amhahahahaha, define ecosystem…Ü
musta naman ang ym mode nating dalawa. magkatabi naman tayo, pede naman natin tong pag usapan…Ü
pero mas swit pag dito.. para kunware lang magkalayo tayo…Ü
Posted by hatemeorloveme at June 21, 2009, 7:11 ampa YM ym mode ka pa.
sabihin na lang natin na ito ay isang uri ng telegrama. parang nung kapanahunan mo ang dekade 80’s. LOL!
Posted by miawman reminiscing d golden yrs of 80s at June 21, 2009, 7:35 amhahahahaha, napaka landi mo talaga sa ken dai…
cge kunware na lang telegrama to (old skul..Ü) tapos may kalakip na 100 na coreo..Ü hintayin mo na lang sa bahay nio ma deliver…Ü
Posted by hatemeorloveme at June 21, 2009, 7:41 amgaling ba kay Tia Dely yang 100. sabihin mo kay Tia Dely kulang pa ng 100 kasi umoreder siya nung Avun last month 2 gibs yun.
Posted by miyawman pa rin at June 21, 2009, 7:43 amwell, honestly i didnt read all of that words there kasi nauumay ako. haha
for me when i noticed na mega blogger to the max to si xandee sabi ko teka meron palang EMO na hindi mukhang EMO> damn!!
>very hopeless romantic nitong si xandee.
>full of love at hatred at kung anong ka cheveran sa life.
ang masasabi ko swerte na ang lalaking makakatuluyan nito. kasi she knows how to take care of someone na kahit hindi pa nya nakikila eh mahal na nya. hai
mwah
Posted by annewez at June 21, 2009, 7:44 amhahahaha, bago kunin ni Bro si Tiya Dely, nasabi sa kin ni Riya Dely na bayad na daw xa sa lahat ng utang niya, pati sa mga tupperware na kinuha niya sa i nio na hindi nio nabigay yung order…Ü
Posted by hatemeorloveme at June 21, 2009, 7:45 am@ annewez,
ay, napaka swit naman ng komento mo dai kahit di mo nibasa yung post q…Ü buti na lang talaga team mate kita..Ü
muka lang talaga kong babaeng balahurang bakla..Ü pero super emo talaga ko dai sa totoong buhay…Ü
at swerte talaga magiging bi ep ko sa ken…Ü hindi lang ako inosente, swit din ako, tsaka nice, tsaka swit tsaka nice ulet…Ü
haylabyaw dai…Ü
Posted by hatemeorloveme at June 21, 2009, 7:50 amsorry nmn kay Tia Dely pakiaalala rin pala sa kanya yung utang niang load kay Aling Choleng.
Posted by miyawman pa rin at June 21, 2009, 9:48 amhahaha. nakakatawa ang palitan niyo ng telegrama ni miawman reminiscing d golden yrs of 80s. parang ‘yung wayem session lang natin sa kuta ko. namiss ko na naman tuloi magblog. lecheng rebyu-rebyuhan talaga.
di bale. malapit na ang aking muling pagbabalik. *evil laugh* huhlolz!
at salamat sa special mention kuting.
hmmkeibye.
ps. sino si bex?
Posted by lio loco at June 21, 2009, 6:08 pm@ lio loco,
bumalik ka na kz, dami ng nakaka miss sa u. lage q pa rin binabalikan yung kuta mo.Ü na miss ko na din yung ym moments naten…Ü makaka pag blog ka anman anytime you want…Ü sagabal sa pag b blog yang rebyu ek ek mo..Ü
c choco prince pa rin yang ka “ym” ko at magkatabi lang kame nian kanina..Ü parang tanga lang diba…Ü
c bex ay isang nilalang na cnasaktan ako ng hindi niya napapansin.Ü akala ko xa na yung sagot sa wish ko kay Bro, pero paasa lang naman pala. aun xa…
makikilala mo rin xa sa mga susunod kong post, i ku kwento ko kung pano nia ko nilalandi at kung pano ako magpalandi sa kanya…Ü
taking care lio, balik ka na sa kuta mo. miss q na talaga mga post mo..Ü
Posted by kuting at June 21, 2009, 6:43 pm


hahaha.. para sa kaalaman ng lahat, ako po ung pamangkin nia na nang gicng sa knya.. hehehe..
hanep… madam may future k pla sa pagsulat. ikaw ang susunod n bob ong. pg ngyari yon, ang magiging pngalan mo na ay beb ang.! haha! joke lang.
tnx nmn at naapreci8 mu ang pgbati namin kht wlng binalot… apektado rn kc aq sa pgtaas ng presyo ng gasolina kya super povertiness aq nung tym na un…hehe..
eniwey.. keep up the good post.. hehe.
Posted by warmae at June 19, 2009, 9:56 pm