Home » Archives » 28. June 2009
Embracing the art and joy of being single...

and the winner is….

June 28, 2009

“last month i was given a written warning for having low scores for 3 consecutive months. sobrang nangarag yung mundo k nung panahon na yon. pakiramdam ko kasi isang way yon para sabihin sa ken na umayos ako or else maghanap na ko ng ibang kumpanya.:( ilang araw akong balisa at umiiyak na lang pag naaalala ko siya ng bongga. alam kong napakaraming call center pero konti lang ang nag o offer ng malaki (haha, muka talaga kong pera..Ü) sa estado ko ngayon, hindi pwedeng maliit lang ang sweldo ko. marami akong bayarin every month at may pinapaaral din ako. halos lahat na yata ng pwede kong dasalan nadasalan ko na para lang humingi ng tulong para maisalba ko yung grades q.

 kanina, dumating yung kinatatakutan ko. binigay na sa akin yung yung final written warning dahil di nga umabot yung grade ko last month. kailangan ko lang daw ng 1.10 na score para pumasa ako. currently, 1.54 yung grade ko. hindi pa rin siya maganda, dahil pag may natanngap akong auto fail sa QA at ilang DSATs sa mga customer ko, good luck talaga sa  ken. parang nawawalna na ko ng pag asa, pero siyempre being the fighter that i am, hindi ako papayag na matalo ng walang kalaban laban.”

 post ko yan dapat nung araw na kinausap ako ng tl ko at nabigyan ako ng final written warning. kahit alam ko na safe pa rin yung grade ko, hindi pa rin ako naging kampante dahil may ilang araw pa bago matapos yung june. marami pang pwedeng mangyari na pwede kong ikatuwa o isumpa at kalimutan ko na lang na nagtrabaho ako sa putahan namen.

matapos ang ilang araw na pag iisip kung lilipat na ba ko ng ibang putahan o hihintayin kong ma term ko, sinagot na ni Bro yung prayer ko. pinakaba niya lang ako ng bongga at naging aligaga lang ako ng ilang araw. naging biktima lang pala ako ng mga pagkakataon.

pero wala na akong pakelam dahil nalagpasan ko na yon.Ü maxado akong lab ni Bro para mapabayan niya. may dahilan na para magpaka saya ako. hindi na ko aligaga. hindi na ko kinakabahan everytime na titignan ko yung mga grades ko. makakatulog na rin ako ng bongga at wala ng aalalahanin pag gising ko.

masaya lang talaga ko dahil hindi na ko mag iisip kung may trabaho pa ko pag gising ko. mejo matatahimik na rin yung buhay ko for now. pero for sure sa mga susunod na panahon may iba na naman akong po problemahin. kung ano man yon, ready na ko ulet lumaban…Ü

 

Posted by hatemeorloveme at 5:20 pm | permalink | comments[3]