and the winner is….
June 28, 2009“last month i was given a written warning for having low scores for 3 consecutive months. sobrang nangarag yung mundo k nung panahon na yon. pakiramdam ko kasi isang way yon para sabihin sa ken na umayos ako or else maghanap na ko ng ibang kumpanya.:( ilang araw akong balisa at umiiyak na lang pag naaalala ko siya ng bongga. alam kong napakaraming call center pero konti lang ang nag o offer ng malaki (haha, muka talaga kong pera..Ü) sa estado ko ngayon, hindi pwedeng maliit lang ang sweldo ko. marami akong bayarin every month at may pinapaaral din ako. halos lahat na yata ng pwede kong dasalan nadasalan ko na para lang humingi ng tulong para maisalba ko yung grades q.
kanina, dumating yung kinatatakutan ko. binigay na sa akin yung yung final written warning dahil di nga umabot yung grade ko last month. kailangan ko lang daw ng 1.10 na score para pumasa ako. currently, 1.54 yung grade ko. hindi pa rin siya maganda, dahil pag may natanngap akong auto fail sa QA at ilang DSATs sa mga customer ko, good luck talaga sa ken. parang nawawalna na ko ng pag asa, pero siyempre being the fighter that i am, hindi ako papayag na matalo ng walang kalaban laban.”
post ko yan dapat nung araw na kinausap ako ng tl ko at nabigyan ako ng final written warning. kahit alam ko na safe pa rin yung grade ko, hindi pa rin ako naging kampante dahil may ilang araw pa bago matapos yung june. marami pang pwedeng mangyari na pwede kong ikatuwa o isumpa at kalimutan ko na lang na nagtrabaho ako sa putahan namen.
matapos ang ilang araw na pag iisip kung lilipat na ba ko ng ibang putahan o hihintayin kong ma term ko, sinagot na ni Bro yung prayer ko. pinakaba niya lang ako ng bongga at naging aligaga lang ako ng ilang araw. naging biktima lang pala ako ng mga pagkakataon.
pero wala na akong pakelam dahil nalagpasan ko na yon.Ü maxado akong lab ni Bro para mapabayan niya. may dahilan na para magpaka saya ako. hindi na ko aligaga. hindi na ko kinakabahan everytime na titignan ko yung mga grades ko. makakatulog na rin ako ng bongga at wala ng aalalahanin pag gising ko.
masaya lang talaga ko dahil hindi na ko mag iisip kung may trabaho pa ko pag gising ko. mejo matatahimik na rin yung buhay ko for now. pero for sure sa mga susunod na panahon may iba na naman akong po problemahin. kung ano man yon, ready na ko ulet lumaban…Ü
Previous Comments
heheheh, diba nga wlaa akong budget galore kaya di ako makapag celebta\rate ng bongga..Ü
anu ba yan, mawawalan n ng magaling na agent sa twc.Ü sana naman bago ka mag resyn eh, magpakita ka muna sa ken…Ü
Posted by hatemeorloveme at July 2, 2009, 10:57 pm“The difference between success and failure is the ability to stand up everytime you fall down”
Di ko alam kung sino ang nagsabi niyan pero buti na lang nasabi niya kasi wala akong maicocomment ngayon. Buti na lang na despite of all the odds and hindrances and the obstacles of life ay nagawa mong kumawala sa iyong dilemma.
Just keep it up! Go go go lang Bonakid– batang may laban….
Posted by chocoprince at July 5, 2009, 6:39 am


aun o. natutuwa ako para sa’yo kuting para sa pagkakapasa mo ng metrics mo. sabi ko naman sa’yo wag kang mag-alala dahil matagal pa ang ilalage mo sa putahan natin. baka nga maunahan pa kitang umalis eh. yeah, magreresign na ko sa october para sa full-time review. huhlolz!
hindi mo ba alam na ang mga magandang bagay-bagay na tulad niyan eh kelangang may bonggang bonggang selebrasyon?
ilabas na ang isang case ng pulang kabayo!
yebah! huhlolz!
Posted by lio loco at July 2, 2009, 10:54 pm