Home » Post Item » happy birthday
Embracing the art and joy of being single...

happy birthday

July 9, 2009

 

                                                                                                     mother and child

 kung gaano ko kasigasig bumati sa mga kaibigan ko sa tuwing mag bi birthday sila eh, kung bakit ngaung araw eh, nakalimutan ko na birthday ng aking one and only sister.

 nag i internet ako ng bonggang bongga ng tawagin niya ako at yayaing kumaen. siyempre, dahil sa matakaw ako, tinanong ko kung anong fudang nila. ng sabihin niyang pansit daw, tinanong ko pa ng bongga kung anong meron (stupid talaga ko, samantalang the day before her birthday pinaalala ko pa sa mama ko na bday na niya). para kong sinampal sa hiya ng sabihin niya na birthday nga niya. of all people bakit nga naman yung birthday niya pa yung nakalimutan ko.

 xenxa na elda, wag mo sanang isipin na hindi ka importante sa ken. masyado lang pre occupied ang utak ko ngayon, at kung hindi mo pa pinaalala baka hindi ko na nga talaga naalala na birthday mo ngayon. 

 happy birthday da….. alam kong hindi tau vocal sa mga feelings naten. pero sana alam mo kung gaano kita kamahal. salamat sa pag intindi sa mga kamalditahan ko. salamat sa pagsunod sa lahat ng mga inuutos ko dahil tamad tong ate mo (at alam mo kung gano ko katamad di ba…Ü). sa lahat lahat ng ginagawa mo para sa amen ni mama. at maraming salamat sa hindi mo pagpapabaya sa mahal kong pamangkin. hindi man maganda ang maaga mong pagbukod sa men ni mama, hindi yun naging katapusan ng pagiging magkapatid naten. kung meron man akong pinagsisisihan, yun ay yung mga bagay na dapat nagawa ko pero hindi ko nagawa.i’m sorry sa lahat ng mga nagawa ko sa iyo simula ng mga bata tau, hehe.Ü i’m sorry din kung lage lang akong nagpapasaway at dumadagdag sa mga kalat ni yannah sa bahay niyo. i’m sorry rin kung hindi tayo kagaya ng ibang magkakapatid na super duper close. ganon pa man, nagkaroon tau ng ibang bonding simula ng pinanganak mo si yannah.

  promise next year hindi ko na makakalimutan yung bithday mo.Ü at may gift na rin ako non sayo. sorry talaga..

 haylabyaw da…Ü

 

PS: 

alam kong hindi mo alam na ginawa ko to at may blogsite ako dahil hindi ka naman nag iinternet…Ü, pero malalaman mo din to sa mga susunod na panahon…Ü at parang awa mo na, wag mo na rin susundan c yannah… aun lang…Ü

Posted by hatemeorloveme at 6:35 pm | permalink

Previous Comments

siya pala ang nanay ng pamangkin mong bulilit, bullit, shanay sha mashikip. huhlolz!

pakisabi rin pibertdei. at bigla naman akong natawa run sa huling pangungusap ng postscript mo. huhlolz!

Posted by lio loco at July 10, 2009, 1:33 pm

@lio,

uu, xa nga…. thank you naman daw. at nasan daw ang gift niya…Ü

ayaw ko na talagang pasundan c yannah. dun pa lang sa batang yon mamumulubi na ko what more pa pag dinagdagan pa nila ng isang bulilit yon diba.. aun lang…Ü

Posted by hatemeorloveme at July 10, 2009, 2:19 pm

Pasalamat ka sa picture ng kapatid mong si Elda (a.k.a. Helga) with your cute niece na si Yannah dahil kung wala yun di ko babasahin ang nobela mo.

So para sa mga susunod mong post, mas maarte ang aking pagkokoment lalagyan ko na ito ng RATING portion (with a scale of 1 to 10). For your current post, I’ll give it a 7. Bwena mano.

Wag mo na itanong kung bakit 7 kasi di ko rin alam. Hehehe wag ka magalala kasi 6.5 ang passing score ko . Pero parang GRIDD kailangan ang average mo ay at least 8.0 for 3 consecutive posts.

Heniways, belated HAPPY BIRTHDAY sa sis mo. May she has more birthdays to come. More endorsements, more TV shows, and more movies.

Posted by chocoprince at July 12, 2009, 8:11 am

Add a comment