Home » Post Item » back to normal
Embracing the art and joy of being single...

back to normal

July 30, 2009

 ilang araw na ang nakalipas matapos yung emo moment ko. inatake na naman ako ng emo syndrome at wala talaga akong maisip na maganda nung mga panahon na yon. hindi ako makapag sulat gawa ng baka makita ako ng pinsan ko na nag mo moment at baka isipin niya na nababaliw na ko. sa totoo lang, natakot ako sa sarili ko non. natakot ako dahil parang mag be break down na talaga ako at parang suicidal na talaga ang drama ko non. nagsimula yon ng magising ako isang araw at mangiyak ngiyak dahil naisip ko na mag ko kols na naman ako, magpapa ka plastik sa mga customers na irrate, hihintayin ang 1st break, lunch, 2nd break, mga panakaw na team meeting pag avail pagkatapos uwian. ganon ang eksena ng buhay ko araw araw sa putahan namen. tatlong taon na kong nagpapaka puta at ganon ng ganon lang talaga ang mga eksena sa aking everyday life. sinong hindi magsasawa don diba. tapos sinabayan pa ng inferiority complex. haayyyy… sarap na lang mawala ng time na yon at mapunta sa outer space.

 as i’m writing this entry, masasabi ko naman na mejo ok na ko. ilang araw na pag mo mo moment lang ang katapat at ilang mga patak ng luha. at voila! balik na ulet si kuting sa dati niyang katinuan. ready na naman sa mga challenges na bibigay sa kanya ni Bro. kagaya nga ng sinasabi ko sa mga kaibigan ko, giving up should never be our option. kinailangan ko lang talaga siguro ng time para makapag isip at mag focus ulet sa trabaho ko.

  masasabi kong nakatulong din ang inuman session namen ng mga team mates ko last tuesday. kulang lang cguro talaga ko sa good time. kahit kasi naka leave ako andito lang ako sa bahay. i admit, boring talaga ang buhay ko. hindi lahat nakasama. pero keri pa rin. apat kaming natira sa inuman. at lumaklak talaga ako ng bongga. first round, absolut vodka na vanilla flavor na hinaluan ng the bar tapos may chaser na sprite. 2nd round, absolut vodka pa rin pero this time wala na siyang halo. hindi ako hard drinker, mejo malakas yung tama niya sa ken kaya naka ilang shot lang ako. at ang finale, ano pa ba….. siyempre pulang kabayo na. naka 2 mucho size kame. yung pangalawa halos hindi na rin namen naubos. dahil filingera akong malakas uminom, ang ending takbo sa cr para umihi kunware pero ang totoo sumuka ako ng bongga at halos umiikot ang paningin ko. bago pa ko sumakay g bus pauwi bumili ako ng maraming kendi kasi alam kong baka any moment masuka ako. mabuti na lang at nakatulog lang ako, pero masakit pa rin ulo ko. kahit ganon yung nangyari, hindi ko pinagsisihan yung pagsama ko sa mga ka team mates ko. bukod sa libre na (poverty stage na kasi ko non eh, gusto ko lang talagang uminom nung araw na yon), nag enjoy talaga ako. nakapag videoke ako at siyempre nagpalitan ng mga chikahan ng mga team mates ko.Ü

 mamaya may pasok na naman ako. dahil sa nag titino tinuan na ko, i promise na hindi na ko ma le late. kung hindi, hello suspension…Ü i’m back in the game..Ü

 PS:

share ko lang lss ko.. enjoy listening…Ü

 

Puff Daddy - Forever - My Best Friend Feat. Mario Winans

Posted by hatemeorloveme at 1:10 pm | permalink

Previous Comments

hahahaha…at natawa ako nang bonggang bongga sa pagpapakain mo sa pato. huhlolz!

hanep! sobrang naiinggit naman ako sa inuman ng team niyo. kakalimutan ko na muna kasi pansamantala ang paglaklak ng alak alang-alang sa matinong pagrerebyu. taragis talaga o.

baka pala by september, wala na rin ako sa putahan. magreresign na ko. nahihirapan na kasi akong pagsabayin work tsaka rebyu-rebyuhan. pati nga blog ko na sobrang mahal na mahal ko eh nagawa ko nang abandunahin. haay…

last comment muna ‘to. babalik ako after 10 months. sana buhay pa ang blog mo pagbalik ko.

taking care! Ü

Posted by lio loco at August 2, 2009, 1:53 pm

@ lio,

musta naman… after 10 months pa balik mo.. kay tagal non. pero hintayin ko pa rin pagbalik mo…Ü gudlak talaga sa rebyu mo. magpainom ka pag cpa ka na ha…Ü

sana nga den buhay pa tong blog blogan ko after 10 mos…Ü

parang napaaga naman yung pag re resign mo. sabi mo dati diba by october ka mag re resyn. naq dapat pala magpakilala na q sa u ng bongga bago ka umalis dito sa putahan naten…

basta gudlak ulet sa pag re rebyu. balitaan mo kame pag cpa ka na..Ü

taking care…Ü

Posted by hatemeorloveme at August 9, 2009, 3:08 am

Add a comment