Home » Post Item » babae po ako!
Embracing the art and joy of being single...

babae po ako!

December 27, 2009

 i’m sad, lonely, worthless at lahat na ng ka emohan. hindi ko alam kung dala lang ba ito ng hormonal chever ko o dala ng panahon. ilang araw ko na itong nararamdaman. wala din kasi akong outlet kaya siguro ang tagal kong dalin itong emoness ko. sinabayan pa ng nalaman ko kanina na sinabi ng napaka bait kong tita.

 i’m sorry my dear bloggy kung ikaw ang napag hihingan ko ng lahat ng kaartehan ko. pakiramdam ko tuloy isa akong user na kaibigan na lalapitan ka lang pag may kailangan. ang dami kong naiisip. parang naipon na naman lahat kaya emo na naman ako. na mi miss ko siya kahit ayaw ko siyang maalala. kainis! parang feeling ko hindi pa ko naka move on. ayoko ng ganitong pakiramdam. alam kong wala naman akong babalikan, maliban sa mga sad at bilang na mga kilig moments. sabi ko ayaw ko ng mag post ng anything tumgkol sa kaniya. pero bakit ganito. para akong minumulto.lagi ko talaga siyang naiisip. sana nga dala lang ito ng pagiging loveless ko.

 lilinawin ko lang, oo loveless ako pero hindi ako bisexual, tibo, gay, o kahit anong maisip niyo na may gusto sa same sex. BABAE AKO, sa isip, salita, at sa gawa *panatng makabayan*. alam ng mga kaibigan ko ito pati na rin mga malalapit kong kamag anak. hindi porket wala akong dinadala sa bahay na lalake at wala akong pinapakilala na jowa ko ay magandang basehan na yon para sabihan ako na babae ang gusto ko. naiinis ako! nasasaktan din ako, dahil ilang beses nang sinabi niya ito sa akin. hindi niya harapang sinabi sa akin, kundi kay inang lahi niya pinadaaan. salamat kay inang lahi at alam niyang babaeng tunay ako at pinag tatanggol niya ako ng bongga.

 i have nothing against gay people. karamihan sa kasama ko sa trabaho at kaibigan ay bading o tomboy. at wala akong problema sa kasarian nila. kilala ko ang sarili ko at alam ko kung ano ang gusto ko. gusto ko ng lalake. yung tunay na lalake at hindi yung tipong bi now gay later. at hindi mo alam kung gano ko nalulungkot na hanggang ngayon ay wala akong boypren.

 masasabi ko lang na hindi mo ko talaga kilala. sabagay, ano ba aasahan ko birthday ko nga hindi mo alam eh. pasensiya ka na te, naiinis lang talaga ko pag iniisip mo na bi sexual ako. hindi porket puro mga girlfriends ko ang dinadala ko sa bahay eh, babae na ang gusto ko. hindi mo lang alam kung gano ako kalandi, pero hanggang ngayon virgin pa din ako *uhm, na share ko lang naman*. kung makakabili lang talaga ko ng lalake, matagal ko ng ginawa yon. hindi mo lang alam kung gano ko kagusto na magka boypren. hindi mo rin alam na gustong gusto ko ng magmahal at mahalin na hanggang ngayon pangarap pa rin siya para sa akin at sa mga single girlfriends ko. sana naman next time na makita mo ko with my girlfriends eh, hindi na umiral kakitiran ng isip mo.

 uulitin ko BABAE AKO! asal bakla man ako o lalake pa minsan, siguradong sigurado ako sa kasarian ko.. babae talaga ko, period no erase.

Posted by hatemeorloveme at 3:59 pm | permalink

Previous Comments

Oo naman, babae ka. Sabihin mo sa kanya, makitid ang utak niya.

Posted by jeeper at December 30, 2009, 7:46 pm

hehehe, salamat sa suporta jpness… alam na alama ko naman na babae ako eh….:) malandi ako, hindi lang halata… hehehe

Posted by kuting at December 31, 2009, 1:19 pm

muzta naman ang twc, kuting?

at talagang pinangalandakan mong matimtimang birhen ka pa eh no? huhlolz! alam ko namang babae ka, kuting. sabihin mo kung sinong nagsasabing tibo ka at idi-divirginize natin. wahahaha!

happy new year po! be wiser and happier and freer this 2010!

Posted by lio loco at December 31, 2009, 6:15 pm

ui lio, nabuhay ka… mabuti na lang at nag resign ka.. super duper kyuwing.. as in super talaga… talagang hinga lang ang pahinga.. peste talaga.. sabi mga hanggang feb daw na ganon.. kakatamad pumasok.. lage tuloy akong absent at late, hehehe..:)

hahaha, ung mabait kong tita nagsabi sa kin. at virgin pa talaga un, dahil old maid xa, bet mo, heheheh..:)

happy new year din.. basta pag cpa ka na ha, libre mo inuman..:) gdlak and taking care..:)

Posted by kuting at December 31, 2009, 11:33 pm

Add a comment