Home » Archives » May 2010
team beki… no more..:(
May 27, 2010

mag da dalawang taon na ako sa putahan. naalala ko pa nung unang pasok ko sa team. pagkatapos kasi ng product training namen, ilan lang kami sa mga wave mates ko na nahiwalay. hiyang hiya pa ako noon sa mga team mates ko, dahil ako yug pinakabago sa team nila. dahil nga sa hindi talaga ako friendly na tao, naghihintay na lang ako kung kelan ako kakausapin ng mga team mates ko. dahil hindi ko talaga ugali na ako yung gumawa ng first move (parang lalake lang..:) ). kung hindi ako nagkakamali mga limang buwan ang lumipas bago ako mejo naging kumportable sa kanila.at lumipas ang ilang buwan bago ako sumama sa mga inuman sessions.
masasabi kong ito pa lang yung pangalawang team na talagang nag enjoy ako sa mga kasama ko. yung una, dun sa una kong putahan. pero sa totoo lang mas naging masaya talaga ako sa team beki. bakit team beki? marami kasi sa team namen mga beki (bakla) kaya ang saya talaga ng team namen. kahit noong high school at college pa ako marami na talaga akong nakakasamang mga beki. mas madali akong nagiging komportable sa mga beki. dahil na rin siguro sa beki ako kaya ganon.:)
hindi madaling maging call center whore. naging dahilan ang team beki para pumasok ako lalo na pag sobrang tamad na tamad ako. parang sila ang naging motivation ko sa pagpasok. ganoon ako ka attach sa team namen. akala ko sila makakasama ko forever. pero hindi pala.:( sa sobrang kampante ko, nakalimutan ko na wala pala talagang forever.:( lahat may katapusan.
natapos na nga yung maliligayang araw ng team beki. pero hindi yung samahan namen ng mga dati kong team mates. siyempre, tuloy pa rin ang chikahan sa facebook at ilang palitan ng text. iilan na lang kaming natitira kasama yung mga bagong nadagdag sa team namen. yung iba namen nasa ibang putahan na. parang hi, hello, goodbye na lang minsan. na kaka miss yung chismisan pag avail, yung mga tawanan in between calls, yung team lunch, yung presensiya ng mga taong natutunan kong tanggapin at mahalin sa maikling panahon, mga kwentuhang walang katuturan pag naka aux. pati na rin okrayan na kung pikon ka eh, siguradog mapapa away ka ng bongga. na mi miss ko na talaga yung samahang team beki.:(
alam kong hindi nila ito mababasa. unless sabihin ko sa kanila at pilitin ko silang puntahan itong website ko.:) minsan pumapasok ako sa chat room ng team namen para lang mag message at sabihin na miss ko na talaga ang team. kung pwede lang sanang ibalik lahat.:(
hindi na ako nasanay. wala naman talagang permanente eh.:(
tagay!
May 1, 2010sariwa pa rin sa alaala ko kung paano sinabi sa akin ni mama na wala ka na. sabay pa si mama tsaka si ate lita sa pagpapa kalma sa akin. alam kasi nila na ako paborito mo at nag alala ila na baka magwala ako ng bongga. dahil sa bata pa ako nung panahon na iyon, hindi ko pa masyadong naintindihan yung mga nangyayari. pero alam ko na magiging umpisa na iyon ng pagbabago ng buhay namin.
walong taon lang kitang nakasama. sa loob ng walong taon na iyon, kahit bata pa ako hindi ko man alam ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal, naramdaman ko sa iyo kung gaano mo ako kamahal. sa mga kuwento sa akin ni mama sa tuwing nagkaka usap kami palage niya sinasabi kung pano mo ako inalagaan sa paraang alam mo. hindi man ikaw yung tipikal na mabait na tatay na napapanood ko sa mga teleserye, alam ko na mahal na mahal mo ako.
hinding hindi ko makalimutan yung pagpunta mo sa eskwelahan ko nung elementary pa ko para kunin yung report card ko. alam kong proud ka sa akin dahil kasama ako sa honor roll lagi kaya kahit lasing ka, ikaw pa rin kumuha ng report card ko. yung pagpupuslit mo ng tsinelas para ipa salubong sa akin tuwing pupunta ka sa tindahan nina lola sa aranque, at sa pagsama mo sa akin sa mga lakad mo. sa pakikipag inuman mo sa mga kumpare mo. sa pagbili natin ng coloring book at colors sa national book store na naiwan naman natin. sa pagtabi mo sa akin sa higaan kahit lagi kita naiihian.at sa pagbili mo ng mga laruang panlalake nung nasa tiyan pa lang ako ni mama dahil kala mo lalake magiging anak mo.
nagtapos ako sa elementarya na si mama yung kasama ko. mas magiging masaya sana kung nakita mo yung pagkuha ko ng diploma. ganoon din noong high school ako.maliban na lang nung college ako, dahil late ako at hindi ako naka akyat sa stage para kunin yung diploma ko. noong 18th birthday ko, medyo emotional ako. sa tuwing umaatend ako sa party nung mga kaibigan at kaklase ko, inggit na inggit ako sa kanila. napigilan ko pa rin maluha nung 1st dance na nila kasama tatay nila. sa tuwing makakakita ako at makakapanood ng mga pelikula at kahit sa mga teleserye na may eksenang mag ama, minsan hindi ko napipigilan maluha, dahil naaalala kita.
sa tuwing naaalala kita, binabalikan ko na lang mga kuwento sa akin ni mama, at tinitignan ko na lang mga litrato natin.alam kong hinding hindi na madagdagan yung mga iyon. lagi ko na lang binubuhay sa alaala ko yung mga panahon na kasama ka namin.
salamat sa pag aalaga at pagmamahal papa! na mi miss na kita.:( hindi ko hihilingin na maksama kita, dahil parang nakakatakot na yata iyon..:) alam ko miss mo na uminom.. sa ngayon, itatagay na lang kita sa mga inuman sessions ko. at wag kang mag alala, hindi pa naman ako lasinggera. pinapangako ko na hindi darating yung panahon na susunduin ako ni mama dahil sa sobrang kalasingan ko.:)
happy birthday papa! mahal na mahal ko po kayo.


