Home » Post Item » tagay!
tagay!
May 1, 2010sariwa pa rin sa alaala ko kung paano sinabi sa akin ni mama na wala ka na. sabay pa si mama tsaka si ate lita sa pagpapa kalma sa akin. alam kasi nila na ako paborito mo at nag alala ila na baka magwala ako ng bongga. dahil sa bata pa ako nung panahon na iyon, hindi ko pa masyadong naintindihan yung mga nangyayari. pero alam ko na magiging umpisa na iyon ng pagbabago ng buhay namin.
walong taon lang kitang nakasama. sa loob ng walong taon na iyon, kahit bata pa ako hindi ko man alam ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal, naramdaman ko sa iyo kung gaano mo ako kamahal. sa mga kuwento sa akin ni mama sa tuwing nagkaka usap kami palage niya sinasabi kung pano mo ako inalagaan sa paraang alam mo. hindi man ikaw yung tipikal na mabait na tatay na napapanood ko sa mga teleserye, alam ko na mahal na mahal mo ako.
hinding hindi ko makalimutan yung pagpunta mo sa eskwelahan ko nung elementary pa ko para kunin yung report card ko. alam kong proud ka sa akin dahil kasama ako sa honor roll lagi kaya kahit lasing ka, ikaw pa rin kumuha ng report card ko. yung pagpupuslit mo ng tsinelas para ipa salubong sa akin tuwing pupunta ka sa tindahan nina lola sa aranque, at sa pagsama mo sa akin sa mga lakad mo. sa pakikipag inuman mo sa mga kumpare mo. sa pagbili natin ng coloring book at colors sa national book store na naiwan naman natin. sa pagtabi mo sa akin sa higaan kahit lagi kita naiihian.at sa pagbili mo ng mga laruang panlalake nung nasa tiyan pa lang ako ni mama dahil kala mo lalake magiging anak mo.
nagtapos ako sa elementarya na si mama yung kasama ko. mas magiging masaya sana kung nakita mo yung pagkuha ko ng diploma. ganoon din noong high school ako.maliban na lang nung college ako, dahil late ako at hindi ako naka akyat sa stage para kunin yung diploma ko. noong 18th birthday ko, medyo emotional ako. sa tuwing umaatend ako sa party nung mga kaibigan at kaklase ko, inggit na inggit ako sa kanila. napigilan ko pa rin maluha nung 1st dance na nila kasama tatay nila. sa tuwing makakakita ako at makakapanood ng mga pelikula at kahit sa mga teleserye na may eksenang mag ama, minsan hindi ko napipigilan maluha, dahil naaalala kita.
sa tuwing naaalala kita, binabalikan ko na lang mga kuwento sa akin ni mama, at tinitignan ko na lang mga litrato natin.alam kong hinding hindi na madagdagan yung mga iyon. lagi ko na lang binubuhay sa alaala ko yung mga panahon na kasama ka namin.
salamat sa pag aalaga at pagmamahal papa! na mi miss na kita.:( hindi ko hihilingin na maksama kita, dahil parang nakakatakot na yata iyon..:) alam ko miss mo na uminom.. sa ngayon, itatagay na lang kita sa mga inuman sessions ko. at wag kang mag alala, hindi pa naman ako lasinggera. pinapangako ko na hindi darating yung panahon na susunduin ako ni mama dahil sa sobrang kalasingan ko.:)
happy birthday papa! mahal na mahal ko po kayo.
Previous Comments
ui lio, congratulations! pra kong ewan naka ilang congratulations na ko sau…:) nakakatuwa lang talaga…:)
tama ka, binabantayan talaga ko ni papa. lalo na pag nakikipag inuman ako..:)
Posted by kuting at May 27, 2010, 4:59 pm


ewan ko pero dinurog ata puso ko ng post mong ‘to. kung nasan man papa mo ngayon, malamang eh binabantayan ka niya kasama ang isang case ng serbesa. hehe.
Posted by lio loco at May 27, 2010, 4:28 pm