Home » Archives » 27. May 2010
Embracing the art and joy of being single...

team beki… no more..:(

May 27, 2010

  ilang buwan na ang nakalipas matapos akong malipat ng ibang team sa putahan. nangyari na ang inaasahan namen ng mga team mates ko. nawala yung tl namen, na dissolve team namen na talagang kinalungkot ko ng bonggang bongga (pati na rin iba kong team mates). halos dalawang taon na kaming magkakasama. dalawang taon na puro kalokohan, asaran, chismisan, halakhakan at kung ano ano pa.

 mag da dalawang taon na ako sa putahan. naalala ko pa nung unang pasok ko sa team. pagkatapos kasi ng product training namen, ilan lang kami sa mga wave mates ko na nahiwalay. hiyang hiya pa ako noon sa mga team mates ko, dahil ako yug pinakabago sa team nila. dahil nga sa hindi talaga ako friendly na tao, naghihintay na lang ako kung kelan ako kakausapin ng mga team mates ko. dahil hindi ko talaga ugali na ako yung gumawa ng first move (parang lalake lang..:) ). kung hindi ako nagkakamali mga limang buwan ang lumipas bago ako mejo naging kumportable sa kanila.at lumipas ang ilang buwan bago ako sumama sa mga inuman sessions.

 masasabi kong ito pa lang yung pangalawang team na talagang nag enjoy ako sa mga kasama ko. yung una, dun sa una kong putahan. pero sa totoo lang mas naging masaya talaga ako sa team beki. bakit team beki? marami kasi sa team namen mga beki (bakla) kaya ang saya talaga ng team namen. kahit noong high school at college pa ako marami na talaga akong nakakasamang mga beki. mas madali akong nagiging komportable sa mga beki. dahil na rin siguro sa beki ako kaya ganon.:) 

 hindi madaling maging call center whore. naging dahilan ang team beki para pumasok ako lalo na pag sobrang tamad na tamad ako. parang sila ang naging motivation ko sa pagpasok. ganoon ako ka attach sa team namen. akala ko sila makakasama ko forever. pero hindi pala.:( sa sobrang kampante ko, nakalimutan ko na wala pala talagang forever.:( lahat may katapusan.

 natapos na nga yung maliligayang araw ng team beki. pero hindi yung samahan namen ng mga dati kong team mates. siyempre, tuloy pa rin ang chikahan sa facebook at ilang palitan ng text. iilan na lang kaming natitira kasama yung mga bagong nadagdag sa team namen. yung iba namen nasa ibang putahan na. parang hi, hello, goodbye na lang minsan. na kaka miss yung chismisan pag avail, yung mga tawanan in between calls, yung team lunch, yung presensiya ng mga taong natutunan kong tanggapin at mahalin sa maikling panahon, mga kwentuhang walang katuturan pag naka aux. pati na rin okrayan na kung pikon ka eh, siguradog mapapa away ka ng bongga.  na mi miss ko na talaga yung samahang team beki.:(

 alam kong hindi nila ito mababasa. unless sabihin ko sa kanila  at pilitin ko silang puntahan itong website ko.:) minsan pumapasok ako sa chat room ng team namen para lang mag message at sabihin na miss ko na talaga ang team. kung pwede lang sanang ibalik lahat.:( 

 hindi na ako nasanay. wala naman talagang permanente eh.:(

Posted by hatemeorloveme at 6:36 pm | permalink | comments[4]