Home » Post Item » tweny six
Embracing the art and joy of being single...

tweny six

June 11, 2011

 exactly 38 mins and so so seconds and i’m officialy 13 yrs old.:) how i wish i was still that young.a teenager who’s beginning to discover life. arte lang, 26 na talaga ko.:( oo, parang isang malaking sampal lang sa mukha. damang dama ko na malapit ng mawala sa kalendaryo ang edad ko. single pa rin, walang sexlayp, still a virgin (#maisingitlang), kahit kalandian wala rin. loser mode lang (ikr!)

 heniwei, bilang berdey ko naman erase erase erase na ang nega thoughts at lahat ng hindi maganda sa paligid ko. positive outlook and thinking lang ang peg ko.:) bilang hindi na ko bumabata, i decided to be more focus sa lahat ng gagawin ko. lalo na sa bago kong trabaho. baka sakali lang naman na maka experience ako ng promotion (umaambisyon lang).at ito ang sobrang matagal kong pinag isipan, i’ll try to do everything on my own. as in ako lang talaga mag isa. napansin ko lang kase, parang pati kaligayahan ko dinidepende ko na sa ibang tao, lalo na sa mga kaibigan ko. hindi niyo rin naman kase ako masisisi dahil sila lang ang meron ako aside from my family. i’ll try to watch movie alone, shop alone and travel alone. as in lahat talaga ako lang, on my own lang ang drama ko.:) try ko lang naman na puro me time lang ako. 

 ganito siguro talaga ang pakiramdam kapag nagkaka edad na. sumeseryoso na ng bonggang bongga.:) wala na kong ibang naiisip kundi kung pano maaayos yung buhay ko pati n rin ng pamilya ko. naniniwala naman ako na everything will fall into place in God’s time. more effort na lang muna ko sa lahat ng gagawin ko.

 thank you Lord for all the blessings. sabe nga ni nicki minaj “i’m not lucky, i’m blessed”.:)  that’s how i feel. marami mang shitness sa buhay ko, hindi mo pa rin ako pinapabayaan. andami kong kagagahan at kalokohan pero di mo ko hinahayaang mapahamak. minsan nakakalimot ako pero alam ko na never mo ko nakalimutan.

 at sa lahat ng mga naging karamay ko sa lahat ng kagagahan ko, mga nakasama ko sa kung anu anung phase ng buhay ko maraming salamat sa inyo. to my old and new friends and future friends, tinkyubirimats.:) hopefully, i’ll be a better, stronger and tougher me.:) at sana andiyan pa rin kayo para sa kin kahit anong mangyare.:)

 isang malupit na wish, lablayp..:) cge na Bro, one time lang.:) pa experience naman ako.:) tsaka world peace pala..:)

 

Posted by hatemeorloveme at 11:14 pm | permalink

Previous Comments

i love it! para akong nagbabasa ng blog ni k brosas or ni ogie diaz.. im ur fan tlga! haha! (joke lang un bday mo kase eh) no, but seriously… i love it tlga… heypi bday bff! and kung anu man gusto mong gawin sa life mo, were just here to support u! tc! ;-)

Posted by katmenace at June 12, 2011, 9:29 pm

haylabyew te..:) tinkyubirimats..:) lam mo naman arte arte lang talaga..:) what would i be w/o u te..:)

Posted by hatemeorloveme at June 12, 2011, 9:39 pm

happy bday

Posted by jp at June 21, 2011, 1:00 am

Add a comment