September 2010
M T W T F S S
« Jun    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Sponsored Links

About Kuting

i'm a self confessed gay, trapped in a woman's body. you'll never have a single idea about the real me unless i consider you as my friend. i can be the best friend you'll ever have and your worst enemy. i love pink, w/c makes me more gay and i'm a certified music lover.

 

i'm not a good writer, and i'm aware of it. this blog is my outlet. my online diary. i don't keep a journal, tamad ako magsulat. i only write whenever i'm on the mood or if i'm emotional.

 

if ever you stumble upon this page, sorry if you'll not be entertained. i'm not good at entertaining other people. i write whatever i feel like writing. you can always click the red x button on the top right part of the page and promise yourself never to go back to my page again.

 

if you have suggestions or violent reactions, please feel free to leave a message or comment and i'll get back to you as soon as i can.

 

this is me... hate me or love me..

Photos Galore

Speak your Mind

mel:

nice site! keep on posting! :)

London Parachute Dude:

I’ve not been in the Philippines for long but I must admit that it’s an amazing area. Anyway, I’m just commenting here because I’m looking for blogs about Manila. and found your site on google. If you have any ideas on places to try while here in manila then I’d appreciate hearing them. Make the most of Holy Week!

hatemeorloveme:

meri krismas and hapi nu yir sa lahat…

AC:

hello! thanks for dropping by my site. :)

hatemeorloveme:

@ revo i know you’ll love it.. it’s made especially for you…Ü lam mo yan dai, lam mo anamn na emote ako sa buhay di ba. salamat sa blog at may outlet na ko pag magulo mundo ko. yung gift ko ha. abot mo na lang sa station ko, alm mo naman yung time ng shift ko diba..Ü

revo:

hahaha.kidding aside,the lines are full of emotions, so genuine that every reader can hook into it and understand the feelings that you keep on hiding..let it show so the world will know..hehehe

hatemeorloveme:

@revo napaka arti mo jan ha.. pasalamat ka na lang cnabi ko sa utong magandang balita tungkol sa kutaan ko at pinilit kitang mag koment.Ü salamat ng marami at na mi miss na kita ng bongga..Ü taking care

revo:

tsk tsk..i was surprised by this blog..sge spread the word?–done.hehehe..napakakulay naman ng buhay mo.yaan mo i already wrote a letter to ate charo para ma-feature naman ang buhay mo..it’s well-worth it.hehehe

hatemeorloveme:

PS: ndi q nga to sinikreto, di ka lang talaga nag usisa..Ü

hatemeorloveme:

@lio
xenxa naman late reply… lam mo naman na walng access ang chat galore na to sa opis… pero maraming salamt sa pagbisita.

lio loco:

kahit na isinikreto mo sakin ang blog na ‘to, nagcomment pa rin ko sa lahat ng post mo. ganun ka kahalaga sakin. apir kuting! congratumaleyshuns sa bagong blog mo.

p.s. panghakot ng bagong mambabasa. ikaw ang sinunod kong blogger sa ka-wavelength widget ko. apir!

lio loco:

kahit na isinikreto mo sakin ang blog na ‘to, nagcomment ako sa lahat ng post mo. ganun ka kahalaga sakin. apir kuting! congratumaleyshuns sa bagong kuta! Ü

patricia morales:

Ako ba ngsulat n2? hahaha!

patricia morales:

wlang masabi :)

alvin:

can’t really complain with the writings! well done! i can say that u are… u really are a very wonderful person… :) when u laugh… remember that i’m there gigling with u… and when ur hear breaks… u know i feel ur pain…

hatemeorloveme:

@warmae
mbuti na lang at pamangkin kita. sana lage ka mapunta dito atmag enjoi kakabasa ng kung anik anik lang na entry q..Ü taking care…

hatemeorloveme:

@katmenace
mare, thanks for dropping by..Ü nahihiya nga q sabihin sa inio eh,lam mo naman diba na wala qng talent sa pagsulat talaga… pero na boost yung confidence q promise..Ü hope you’lllike my 2nd entry.. c u on sat..Ü

warmae:

nice one… bonggang bonggang blog ah… sumusunod n sa yapakni inday.. hehe.. eniwey ang cute ng blog mu madam… konting articles nlng eh talbog lht ng blog! hehe…

katmenace:

yabang nman! may blogsite na din xa. m so proud of u beshfrend! u have the talent nmn eh..tamad k lang…Ü

hatemeorloveme:

hello world….Ü

Leave a message ▼
Lahat tayo may karapatang masaktan, pero wala tayong karapatang manakit ng ibang tao.- Big Brother

para kay side

June 18, 2010

   for sure kapag nabasa ito ni mama, magseselos siya…:) nakaka dalawang entry na ko para sa iyo, samantalang sa kanya kahit isa wala pa rin (halata bang mas favorite kita kesa kay mama, hehe keri lang diba, kasi favorite naman nia si elda eh. jealous much?! hehe). maiintindihan naman niya ko, kasi hindi ka naman na namen kasama eh.:( at hindi naman niya alam to eh, tsaka ko na lang ipapa alam sa kanya kapag may entry na ko para sa kanya.:)

  naniniwala ako na everything happens for a reason. may dahilan si Bro nung kinuha ka na niya sa amin. lalong hindi co incident lang na nakilala mo si inang lahi. i can’t say much about you. lahat ng mga sinasabi ko, ung mga naalala ko lang tsaka yung mga naikwento ni inang lahi. you were never the ideal husband for mama. ang sabe ni mama, na challenge daw siya sa attitude mo. totoo naman na ka challenge challenge ang attitude mo pa, aminin mo yan.:) ang daming kwento ni inang lahi tungkol sa yo. kung pano mo siya awayin kapag hindi niya napag bigyan yung gusto ko. at kung paano ka magpa sarap kasama ng iyong mga inuman buddies habang si inang lahi eh, super pagod sa kakalaba at pag aalaga sa amin ni elda. ang sweet mo talaga kay mama. ang pinaka gusto ko sa mga kwento niya, ay kung paano mo kame ipagtanggol lalo na pag lasing ka. at kung paano mo kame ihabilin kay ate lita kug sakaling mawala ka. hindi ka lang talaga siguro showy sa feelings mo. alam mo ba na marami sa mga pamangkin mo ang tuwang tuwa sa yo lalo na pag lasing ka, kasi ang gulo gulo mo raw at talagang maloko ka. sa yo ko siguro namana yung sense of humor. ganon din kasi yung sinasabi ni ate lita sa yo eh. sabi rin ni mama, kapag nakainom kapag dating mo sa bahay kami kagad ni elda hinahanap mo.  malayong malayo kapag hindi ka nakainom. nasa loob ka lang ng bahay, nagbabasa ng people’s tonight o tempo sa umaga habang  naninigarilyo. habang si inang lahi ay bongga ang pagka busy sa pag tapos sa paglalaba, pag luluto at pag lilinis ng bahay. ayaw mo ng maingay, kaya kami ni elda tahimik lang maglaro. hindi kame makalabas, dahil ayaw mo ng nangangapit bahay kame. naalala ko pa nung tinapon mo yung tsinelas ko sa bubong dahil ayaw kong umuwi. simula non, hindi na kame lumalabas ni elda ng bahay kapag hindi ka nakainom. lalabas lang kame pag wala ka sa bahay o kaya pag busy ka sa inuman session mo. sa gabi naman, manonood ka ng balita sa tv at hindi na pwedeng lumabas kapag gabi na. or else, sa labas na kame matutulog. ayaw mo rin ng madamot. naalala ko nung nagalit ka sa kin kasi ayaw kong bigyan si elda nung kinakaen ko. nagsumbong siya sa yo pero nag damo pa rin ako. dahil don, binili mo siya sa jollibee at sinigurado mo na hindi niya ko bibigyan kahit na anong mangyari. yun na yung pinaka matagal na hindi mo ko kinakausap o kinikibo. at talagang pinararamdam mo sa akin na parang si elda lang yng anak mo. andun yung si elda lang yung binibigyan mo ng pagakain tsaka pasalubong. kaya ako walang magawa kundi umiiyak lang at nagsusumbong kay mama. si mama, walang magawa. batas ka eh. siguro mga 6 years old yata ako non. hanggang sa hindi mo ko natiis (hehehe) at pinansin mo na rin ako tsaka pinangaralan ng bongga sa ginawa ko.alam ko hindi mo talaga ko matitiis dahil ako ang peyborit daughter mo diba.:)

 happy father’s day pa! hindi ko maalala kung nababati kita nung kasama ka pa namin tuwing father’s day. sa tuwing makakakita ako ng adverisement sa tv na mga father and daughter thingy dahil malapit na nga ang father’s day, hindi ko maiwasan maging emotional. isa yan sa mga weakness ko. naluluha talaga ako ng bongga. kahit sa mga pinapanood ko na pelikula at mga teleserye hindi ko talaga naiiwasan ang malungkot at ma miss ka. nung nasa 4th year hayskul ako tinanong ako nung klasmeyt ko:

klasmeyt: chrissanell, lagi kang masaya. tawa ka ng tawa (lukaret much?! heheh). ano ba yung bagay na nakaka pag palungkot sa yo?

ako: nag inarte muna at nag isip kunware. nawala yung bonggang ngiti ko. sabay sagot ng “kapag may nakikita akong mag ama na masayang magkasama”.

 hindi ko na maalala yung sumunod na nangyare. kumuha yata si klasmeyt ng blade sa sobrang ka emohan ko.:)

 lumaki man ako na hindi ka kasama pa,napalaki pa rin  naman kami ni mama ng maayos. naging tatay at nanay na siya simula nung nawala ka. hind ka nagkamali nung nakilala mo si inang lahi. salamat sa lahat. sayang nga lang hindi mo nasubaybayan yung paglaki namen. hindi mo na rn nakita yung apo mo kay elda at yung magiging baby ko mga 3 years from now.:)

 happy father’s day papa! inum tayo, sagot ko…:)

 i love you papa.

                                                                                                                                                                                   your favorite daughter,

                                                                                                                                                                                                      kuting :)

Posted by hatemeorloveme at 2:00 pm | permalink | comments[1]

EMOnesa

January 7, 2010

 eto na naman ako. bagong taon, tamang emo na naman ako. dami kong naiisip, dami kong mga plano na gusto kong matuloy. kung nakakapagsalita lang yung utak ko, super reklamo na siya sa dami ng tumatakbo sa isip ko. gusto kong may makausap. pero nahihiya ako sa mga kaibigan ko. bagong taon na bagong taon, pasanin nila ko. ayokong maging pabigat sa kahit na kanino.salamat na lang at may blog.

 hindi ko alam kung pano ko to uumpisahan. baka maging nobela to. pero gora lang, pagod na ko eh. baka sakaling maka tulong pag nalabas ko sa iyo dear bloggy.

 ilang buwan ko ng hindi pinapansin yung kapatid ko pati na rin asawa niya. dahil sa nasirang camera ko. oo, dahil lang sa camera nasira yung samahan namin. mababaw diba. alam ko, pero hindi ko lang talaga matanggap na wala na yung camera na matagal kong pinangarap tapos hindi na siya mapapalitan. hindi ko alam kung kelan ko siya mapaplitan. oo, ako rin magpapalit dun sa camera na ni hindi ko man lang nagamit ng matagal. ang dami ng mga happenings na sana mas naging memorable kung na kodakan ko sila. dumaan yung pasko at bagong taon na pinagtiyagaan namen yung camera sa selpown ng pinsan ko. at hindi ko nakikita yung effort na gusto talaga nilang mapalitan yung camera ko. hanggang ngayon talaga hindi ako maka move on sa camera ko. nalulungkot pa din ako pag naaalala ko yung pagkasira niya ng walang kalaban laban. eto pa, hindi talaga yung kapatid ko o yung asawa niya yung nakasira, kundi yung tita ng asawa ng kapatid ko. peste talaga! nalaman ko na ang sabi lang eh, hindi naman daw sinasadya. bullshit! hindi ko naman hiningi lang yon o napulot o kinuha sa tindahan. di bale sana kung 500 pesos lang yon baka binilan ko pa sila. hindi ako nagyayabang. hindi kasi ganon kadali mag ipon ng pera para pambili non tapos masisira na lang ng ganon ganon. ako na yung nasiraan, ako pa rin yung ma pepeste para mapalitan yung camera ko.masama pa rin talaga ang loob ko hanggang ngayon. hindi nakatulong ang pagpapalit ng taon sa pakikitungo ko sa kanila. wala akong pakelam kung hindi pa rin kami nag uusap. yung pamangkin ko lang yung pinapansin ko. na ngayon parang malayo na yung loob sa ken. kasi nga minsan ko na lang siya makita. at hindi na ko nagpupunta sa bahay nila simula nung nalaman ko na nasira yung camera ko.

 balak ko sanang makabili ngayon ng bagong camera. kaya lang nagdadalawang isip ako. sa dami ng binabayaran ko, parang hindi na kakayanin. naisip kong magpaka selfish at unahin naman ang sarili ko ngayon. naisip kong mag ipon para sa aking make over galore at kung ano ano pa. pero nagdadalawang isip ako. dahil pag inuna ko yung sarili ko,pano na yung pamangkin ko. pano na yung education showcase niya at kung anu ano pa. naisip ko rin na baka isipin ng nanay niya na gumaganti lang ako sa kanila kaya pati pamangkin ko dinadamay ko na. ang kumplikado pag inuna ko yung sarili ko. pero pano naman ako. wala na nga kong lablayp tapos ganito pa.

 kailangan ko rin alagaan yung sarili ko.  hindi ko na gusto yung nakikita ko sa salamin pag nakikita ko yung sarili ko. naguguluhan na ko. hindi ko na alam talaga gagawin ko.ayaw kong magpaka selfish. ayoko rin naman na magising na lang isang araw na ayoko ng makita yung sarili ko ever.

 mahal ko yung pamangkin ko. mahal ko rin yung sarili ko. siguro kailangan ko lang talaga magtipid ng sobra sobra. anong pecha na, ilang taon na lang wala na yung edad ko sa kalendaryo. pakiramdam ko wala pa ring pagbabago sa buhay ko. ilang taon na lang deadline ko na.

  hindi ko alam kung paano ko magsisimula. pero kailangan may gawin talaga ko. or else, ganito na lang lage drama ko. na miss ko na rin pamangkin ko tsaka kapatid ko. magiging ok din kami. hindi pa lang siguro ngayon.

Posted by hatemeorloveme at 12:54 pm | permalink | comments[1]

…..

November 9, 2009

oo na, nagtatampo ka kasi hindi na kita dinadalaw.:) pasensiya naman, masyado kong naging busy. pero wag kang mag alala, lage pa din kita iniisip.:) di ka naman mawawala diba. unless kalimutan na kita ng bongga. basta i’ll be back asap, promise.:) pag ok na ulet ako, ikaw una ko pupuntahan para ma share ko sa iyo yung mga happenings sa buhay ko.

magsusulat sana ako, pero parang pagod na yung utak ko dahil kauuwi ko lang galing sa pagpuputa. marami pa naman next time diba…:)

for now, steady ka lang muna my dear blog… marami akong update sa iyo, pwamis.. *wink*

 

Posted by hatemeorloveme at 2:08 am | permalink | comments[2]

back to normal

July 30, 2009

 ilang araw na ang nakalipas matapos yung emo moment ko. inatake na naman ako ng emo syndrome at wala talaga akong maisip na maganda nung mga panahon na yon. hindi ako makapag sulat gawa ng baka makita ako ng pinsan ko na nag mo moment at baka isipin niya na nababaliw na ko. sa totoo lang, natakot ako sa sarili ko non. natakot ako dahil parang mag be break down na talaga ako at parang suicidal na talaga ang drama ko non. nagsimula yon ng magising ako isang araw at mangiyak ngiyak dahil naisip ko na mag ko kols na naman ako, magpapa ka plastik sa mga customers na irrate, hihintayin ang 1st break, lunch, 2nd break, mga panakaw na team meeting pag avail pagkatapos uwian. ganon ang eksena ng buhay ko araw araw sa putahan namen. tatlong taon na kong nagpapaka puta at ganon ng ganon lang talaga ang mga eksena sa aking everyday life. sinong hindi magsasawa don diba. tapos sinabayan pa ng inferiority complex. haayyyy… sarap na lang mawala ng time na yon at mapunta sa outer space.

 as i’m writing this entry, masasabi ko naman na mejo ok na ko. ilang araw na pag mo mo moment lang ang katapat at ilang mga patak ng luha. at voila! balik na ulet si kuting sa dati niyang katinuan. ready na naman sa mga challenges na bibigay sa kanya ni Bro. kagaya nga ng sinasabi ko sa mga kaibigan ko, giving up should never be our option. kinailangan ko lang talaga siguro ng time para makapag isip at mag focus ulet sa trabaho ko.

  masasabi kong nakatulong din ang inuman session namen ng mga team mates ko last tuesday. kulang lang cguro talaga ko sa good time. kahit kasi naka leave ako andito lang ako sa bahay. i admit, boring talaga ang buhay ko. hindi lahat nakasama. pero keri pa rin. apat kaming natira sa inuman. at lumaklak talaga ako ng bongga. first round, absolut vodka na vanilla flavor na hinaluan ng the bar tapos may chaser na sprite. 2nd round, absolut vodka pa rin pero this time wala na siyang halo. hindi ako hard drinker, mejo malakas yung tama niya sa ken kaya naka ilang shot lang ako. at ang finale, ano pa ba….. siyempre pulang kabayo na. naka 2 mucho size kame. yung pangalawa halos hindi na rin namen naubos. dahil filingera akong malakas uminom, ang ending takbo sa cr para umihi kunware pero ang totoo sumuka ako ng bongga at halos umiikot ang paningin ko. bago pa ko sumakay g bus pauwi bumili ako ng maraming kendi kasi alam kong baka any moment masuka ako. mabuti na lang at nakatulog lang ako, pero masakit pa rin ulo ko. kahit ganon yung nangyari, hindi ko pinagsisihan yung pagsama ko sa mga ka team mates ko. bukod sa libre na (poverty stage na kasi ko non eh, gusto ko lang talagang uminom nung araw na yon), nag enjoy talaga ako. nakapag videoke ako at siyempre nagpalitan ng mga chikahan ng mga team mates ko.Ü

 mamaya may pasok na naman ako. dahil sa nag titino tinuan na ko, i promise na hindi na ko ma le late. kung hindi, hello suspension…Ü i’m back in the game..Ü

 PS:

share ko lang lss ko.. enjoy listening…Ü

 

Puff Daddy - Forever - My Best Friend Feat. Mario Winans

Posted by hatemeorloveme at 1:10 pm | permalink | comments[2]

wish list

June 8, 2009

 ilang araw na lang bertdey ko na. dahil don ngayon pa lang gusto ko ng ipabatid sa inyong lahat ang mga bagay na gusto kong matanggap sa aking nalalapit na kaarawan.Ü maxado ko kayong mahal at ayokong mahirapan kayo sa pag iisip ng bibigay niyo sa ken…Ü

  here’s my top 10 wish list for my birthday:

  •  bagong selpown (basta malaki yung screen, maganda yung resolution ng camera, may mp3 at may radio)
  • laptop (yung pink, win xp ung os,  ndi maxadong maliit, ndi rin maxadong malake)
  • ipod touch, o kahit yung simpleng iphone na lang na 80gig
  • maus- art speigelman (book)
  • bahay at lupa (samahan na rin ng kotse)
  • makeover package
  • wallet na di nauubusan ng pera
  • isang matinong lalake na pwede kong gawing biep at mamahalin ako
  • trip to disneyland (hk, florida, japan kahit san jan sa tatlo ayos lang talaga sa ken..Ü)
  • last but not the least, world peace..Ü

  sa totoo lang natawa ako habang kasalukuyan kong tinitipa wish list ko. bakit? napaka ambisyosa ko kasi. oo, alam ko ambixosa talaga kong frog. wish list ko yan kaya walang pakelamanan.

 kahit ilang ulit pa kong mag bertdey, alam kong walang magkakamaling magbigay sa kin ng nasa wish list ko. pero, salamat na lang at libre ang mangarap. dahil lahat pwedeng maging posible.Ü sky’s the limit pa..Ü

  tumatanggap din naman ako ng mga canned goods, lumang damit, sako sako ng bigas (kailangan sako sako talaga..Ü), o kaya kahit pasa load na lang kahit 2 lang highly appreciated na yon.Ü

 lahat ng nasa wish list ko, arti ko lang yon.Ü basta di niyo makalimutan yung bertdey ko, solb na ko don. sobrang ma a appreciate ko talaga yon ng buong giliw. pero kung ba batiin niyo ko, gusto ko yung bongga. yung may effort. yung tipong papagawa kau ng billboard sa edsa tapos may nakalagay na “happy birthday kuting” gusto ko pink yung background, tapos cute yung font, tapos may flowers and butterflies sa background para naman malaman nila na babae ako..Ü

 ayun lang, simple lang naman gusto ko di ba…Ü thanks in advance nga pala…Ü 

Posted by hatemeorloveme at 1:18 pm | permalink | comments[6]