September 2010
M T W T F S S
« Jun    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Sponsored Links

About Kuting

i'm a self confessed gay, trapped in a woman's body. you'll never have a single idea about the real me unless i consider you as my friend. i can be the best friend you'll ever have and your worst enemy. i love pink, w/c makes me more gay and i'm a certified music lover.

 

i'm not a good writer, and i'm aware of it. this blog is my outlet. my online diary. i don't keep a journal, tamad ako magsulat. i only write whenever i'm on the mood or if i'm emotional.

 

if ever you stumble upon this page, sorry if you'll not be entertained. i'm not good at entertaining other people. i write whatever i feel like writing. you can always click the red x button on the top right part of the page and promise yourself never to go back to my page again.

 

if you have suggestions or violent reactions, please feel free to leave a message or comment and i'll get back to you as soon as i can.

 

this is me... hate me or love me..

Photos Galore

Speak your Mind

mel:

nice site! keep on posting! :)

London Parachute Dude:

I’ve not been in the Philippines for long but I must admit that it’s an amazing area. Anyway, I’m just commenting here because I’m looking for blogs about Manila. and found your site on google. If you have any ideas on places to try while here in manila then I’d appreciate hearing them. Make the most of Holy Week!

hatemeorloveme:

meri krismas and hapi nu yir sa lahat…

AC:

hello! thanks for dropping by my site. :)

hatemeorloveme:

@ revo i know you’ll love it.. it’s made especially for you…Ü lam mo yan dai, lam mo anamn na emote ako sa buhay di ba. salamat sa blog at may outlet na ko pag magulo mundo ko. yung gift ko ha. abot mo na lang sa station ko, alm mo naman yung time ng shift ko diba..Ü

revo:

hahaha.kidding aside,the lines are full of emotions, so genuine that every reader can hook into it and understand the feelings that you keep on hiding..let it show so the world will know..hehehe

hatemeorloveme:

@revo napaka arti mo jan ha.. pasalamat ka na lang cnabi ko sa utong magandang balita tungkol sa kutaan ko at pinilit kitang mag koment.Ü salamat ng marami at na mi miss na kita ng bongga..Ü taking care

revo:

tsk tsk..i was surprised by this blog..sge spread the word?–done.hehehe..napakakulay naman ng buhay mo.yaan mo i already wrote a letter to ate charo para ma-feature naman ang buhay mo..it’s well-worth it.hehehe

hatemeorloveme:

PS: ndi q nga to sinikreto, di ka lang talaga nag usisa..Ü

hatemeorloveme:

@lio
xenxa naman late reply… lam mo naman na walng access ang chat galore na to sa opis… pero maraming salamt sa pagbisita.

lio loco:

kahit na isinikreto mo sakin ang blog na ‘to, nagcomment pa rin ko sa lahat ng post mo. ganun ka kahalaga sakin. apir kuting! congratumaleyshuns sa bagong blog mo.

p.s. panghakot ng bagong mambabasa. ikaw ang sinunod kong blogger sa ka-wavelength widget ko. apir!

lio loco:

kahit na isinikreto mo sakin ang blog na ‘to, nagcomment ako sa lahat ng post mo. ganun ka kahalaga sakin. apir kuting! congratumaleyshuns sa bagong kuta! Ü

patricia morales:

Ako ba ngsulat n2? hahaha!

patricia morales:

wlang masabi :)

alvin:

can’t really complain with the writings! well done! i can say that u are… u really are a very wonderful person… :) when u laugh… remember that i’m there gigling with u… and when ur hear breaks… u know i feel ur pain…

hatemeorloveme:

@warmae
mbuti na lang at pamangkin kita. sana lage ka mapunta dito atmag enjoi kakabasa ng kung anik anik lang na entry q..Ü taking care…

hatemeorloveme:

@katmenace
mare, thanks for dropping by..Ü nahihiya nga q sabihin sa inio eh,lam mo naman diba na wala qng talent sa pagsulat talaga… pero na boost yung confidence q promise..Ü hope you’lllike my 2nd entry.. c u on sat..Ü

warmae:

nice one… bonggang bonggang blog ah… sumusunod n sa yapakni inday.. hehe.. eniwey ang cute ng blog mu madam… konting articles nlng eh talbog lht ng blog! hehe…

katmenace:

yabang nman! may blogsite na din xa. m so proud of u beshfrend! u have the talent nmn eh..tamad k lang…Ü

hatemeorloveme:

hello world….Ü

Leave a message ▼
Lahat tayo may karapatang masaktan, pero wala tayong karapatang manakit ng ibang tao.- Big Brother

maBOTEng usapan

August 15, 2009

  dahil sa hindi natuloy yung team building namen, napag desisyunan namen ng mga team mates ko na ituloy pa rin ito. pano? ano pa eh, di inuman galore.halos isang buwan na namen na plano yung team building namen. may lugar na at siyempre may budget din naman yung team. yun nga lang as expected (lage kz hindi natututloy yung team  building, leche!) hindi nga siya natuloy. ilan sa mga team mates ko, anticipated na na hindi siya matutuloy. pero ako, hindi nawalan ng pag asa. kaya naman sobrang na dissapoint ako nung nalaman ko na hindi na naman nga kame matutuloy. lage kasi akong excited pag may lakad ang team. halatang kaladkarin talaga ako…Ü itutuloy pa rin sana yung napag usapan namen na swimming galore. pero dahil nga marami ng nawalan ng gana, ayun hindi na rin na plano yung naudlot na swimming galore.

 5pm-2am na shift namen. after our shift, we headed to muchos.hndi talaga ako mahilig sa inuman at sumama sa mga lakad ng team before. kasi, hindi pa ko ganon ka komportable sa kanila. ganon din ako dati sa dati kong pinagpuputahan. hindi naman sa nagpapaka kj ako.dun kasi sa dati kong pinagpuputahan, hindi ko masyadong feel yung iba kong team mates kaya hindi ako nagsasasama pag may mga lakad sila.pero ngayon, pag alam kong may lakad super sama talaga ko at super laklak na talaga. sobrang komportable na kasi ko sa karamihan sa mga ka team mates ko. lalo na sa mga lage kong nakakasama sa inuman session namen. salamat sa inuman session. nakatulong kasi to para mas maging malapit ako sa mga ka team mates ko. at masaya ko sa samahan namen ng mga team mates ko.

 may mga bagong salta rin sa team namen. tamang tama at sumama sila. bonding na rin yun at parang pa welcome na rin sa kanila. may ilan sa mga team mates ko na hindi nakasama. pero hindi yun naging hadlang para hindi matuloy yung inuman galore namen..Ü

 kwentuhan, asaran, halakhakan, masarap na pulutan, ilang bucket ng beer, usok ng sigarilyo, picture picture, videoke, at mga taong nakakapalgayn ko na ng loob. mga sangkap na para sa akin ay nagpapasarap sa inuman session experience ko w/ my team mates. hindi ako mahilig uminom talaga, pero kung ito ang magiging dahilan para lalo akong mapalapit sa mga team mates ko, kahit saan pa nila ko yayain ay hinding hindi ako tatanggi. hindi ko papalagpasin yung mga sandali na makasama ko sa kanila at maiparamdam sa kanila na unti unti na silang nagiging parte ng buhay ko.

 i can’t wait for our next inuman session…Ü

Posted by hatemeorloveme at 7:09 pm | permalink | comments[6]

back to normal

July 30, 2009

 ilang araw na ang nakalipas matapos yung emo moment ko. inatake na naman ako ng emo syndrome at wala talaga akong maisip na maganda nung mga panahon na yon. hindi ako makapag sulat gawa ng baka makita ako ng pinsan ko na nag mo moment at baka isipin niya na nababaliw na ko. sa totoo lang, natakot ako sa sarili ko non. natakot ako dahil parang mag be break down na talaga ako at parang suicidal na talaga ang drama ko non. nagsimula yon ng magising ako isang araw at mangiyak ngiyak dahil naisip ko na mag ko kols na naman ako, magpapa ka plastik sa mga customers na irrate, hihintayin ang 1st break, lunch, 2nd break, mga panakaw na team meeting pag avail pagkatapos uwian. ganon ang eksena ng buhay ko araw araw sa putahan namen. tatlong taon na kong nagpapaka puta at ganon ng ganon lang talaga ang mga eksena sa aking everyday life. sinong hindi magsasawa don diba. tapos sinabayan pa ng inferiority complex. haayyyy… sarap na lang mawala ng time na yon at mapunta sa outer space.

 as i’m writing this entry, masasabi ko naman na mejo ok na ko. ilang araw na pag mo mo moment lang ang katapat at ilang mga patak ng luha. at voila! balik na ulet si kuting sa dati niyang katinuan. ready na naman sa mga challenges na bibigay sa kanya ni Bro. kagaya nga ng sinasabi ko sa mga kaibigan ko, giving up should never be our option. kinailangan ko lang talaga siguro ng time para makapag isip at mag focus ulet sa trabaho ko.

  masasabi kong nakatulong din ang inuman session namen ng mga team mates ko last tuesday. kulang lang cguro talaga ko sa good time. kahit kasi naka leave ako andito lang ako sa bahay. i admit, boring talaga ang buhay ko. hindi lahat nakasama. pero keri pa rin. apat kaming natira sa inuman. at lumaklak talaga ako ng bongga. first round, absolut vodka na vanilla flavor na hinaluan ng the bar tapos may chaser na sprite. 2nd round, absolut vodka pa rin pero this time wala na siyang halo. hindi ako hard drinker, mejo malakas yung tama niya sa ken kaya naka ilang shot lang ako. at ang finale, ano pa ba….. siyempre pulang kabayo na. naka 2 mucho size kame. yung pangalawa halos hindi na rin namen naubos. dahil filingera akong malakas uminom, ang ending takbo sa cr para umihi kunware pero ang totoo sumuka ako ng bongga at halos umiikot ang paningin ko. bago pa ko sumakay g bus pauwi bumili ako ng maraming kendi kasi alam kong baka any moment masuka ako. mabuti na lang at nakatulog lang ako, pero masakit pa rin ulo ko. kahit ganon yung nangyari, hindi ko pinagsisihan yung pagsama ko sa mga ka team mates ko. bukod sa libre na (poverty stage na kasi ko non eh, gusto ko lang talagang uminom nung araw na yon), nag enjoy talaga ako. nakapag videoke ako at siyempre nagpalitan ng mga chikahan ng mga team mates ko.Ü

 mamaya may pasok na naman ako. dahil sa nag titino tinuan na ko, i promise na hindi na ko ma le late. kung hindi, hello suspension…Ü i’m back in the game..Ü

 PS:

share ko lang lss ko.. enjoy listening…Ü

 

Puff Daddy - Forever - My Best Friend Feat. Mario Winans

Posted by hatemeorloveme at 1:10 pm | permalink | comments[2]

and the winner is….

June 28, 2009

“last month i was given a written warning for having low scores for 3 consecutive months. sobrang nangarag yung mundo k nung panahon na yon. pakiramdam ko kasi isang way yon para sabihin sa ken na umayos ako or else maghanap na ko ng ibang kumpanya.:( ilang araw akong balisa at umiiyak na lang pag naaalala ko siya ng bongga. alam kong napakaraming call center pero konti lang ang nag o offer ng malaki (haha, muka talaga kong pera..Ü) sa estado ko ngayon, hindi pwedeng maliit lang ang sweldo ko. marami akong bayarin every month at may pinapaaral din ako. halos lahat na yata ng pwede kong dasalan nadasalan ko na para lang humingi ng tulong para maisalba ko yung grades q.

 kanina, dumating yung kinatatakutan ko. binigay na sa akin yung yung final written warning dahil di nga umabot yung grade ko last month. kailangan ko lang daw ng 1.10 na score para pumasa ako. currently, 1.54 yung grade ko. hindi pa rin siya maganda, dahil pag may natanngap akong auto fail sa QA at ilang DSATs sa mga customer ko, good luck talaga sa  ken. parang nawawalna na ko ng pag asa, pero siyempre being the fighter that i am, hindi ako papayag na matalo ng walang kalaban laban.”

 post ko yan dapat nung araw na kinausap ako ng tl ko at nabigyan ako ng final written warning. kahit alam ko na safe pa rin yung grade ko, hindi pa rin ako naging kampante dahil may ilang araw pa bago matapos yung june. marami pang pwedeng mangyari na pwede kong ikatuwa o isumpa at kalimutan ko na lang na nagtrabaho ako sa putahan namen.

matapos ang ilang araw na pag iisip kung lilipat na ba ko ng ibang putahan o hihintayin kong ma term ko, sinagot na ni Bro yung prayer ko. pinakaba niya lang ako ng bongga at naging aligaga lang ako ng ilang araw. naging biktima lang pala ako ng mga pagkakataon.

pero wala na akong pakelam dahil nalagpasan ko na yon.Ü maxado akong lab ni Bro para mapabayan niya. may dahilan na para magpaka saya ako. hindi na ko aligaga. hindi na ko kinakabahan everytime na titignan ko yung mga grades ko. makakatulog na rin ako ng bongga at wala ng aalalahanin pag gising ko.

masaya lang talaga ko dahil hindi na ko mag iisip kung may trabaho pa ko pag gising ko. mejo matatahimik na rin yung buhay ko for now. pero for sure sa mga susunod na panahon may iba na naman akong po problemahin. kung ano man yon, ready na ko ulet lumaban…Ü

 

Posted by hatemeorloveme at 5:20 pm | permalink | comments[3]